Kilalang female star reklamadora na sinungaling pa | Bandera

Kilalang female star reklamadora na sinungaling pa

Cristy Fermin - September 11, 2017 - 12:01 AM

KILALANG-KILALA pala ang isang kilalang female personality sa pagiging reklamadora. Kahit wala namang kabagay-bagay ay gumagawa siya ng galit, reklamo nang reklamo, kaya maraming naiinis sa kanya.

At kilala rin ang babaeng personalidad na ito sa pagkakaroon ng kung anu-anong dahilan at katwiran kapag ayaw niyang magtrabaho.

Kung anu-anong rason ang mga sinasabi niya, hindi siya natatakot na baka magabaan siya, dahil pati ang kanyang mga mahal sa buhay ay isinasangkalan niya.

Kuwento ng isang source, “Libro siya ng mga alibi at dahilan. Kapag ayaw niyang mag-work, asahan mo nang ang sasabihin niya, e, maysakit ang isang family member nila at kailangan siya ang mag-asikaso.
“Nu’ng una, e, pinaniniwalaan pa siya, may mga nagpapasensiya lang sa mga dahilan niya, pero nabuking ang girl sa kanyang mga kalokahan. May nakakita kasi sa love niyang aktor na nagsi-shopping.

“Tinanong siya kung totoong maysakit ang isang taong pareho nilang mahal ng girl. Naloka ang nagtanong sa sagot ni sir, wala raw, ang lakas-lakas nga raw nu’ng taong sinabi ng girl na maysakit.
“Di ba naman? Para lang hindi siya makapagtrabaho, e, ginagamit pa niya ang walang kamalay-malay na nilalang? E, paano kaya kung totoong magkasakit ‘yun, ano kaya ang gagawin niya?” simulang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsang dumating siya sa location ng pinagbibidahan niyang programa ay palaging nakasimangot ang pamosong aktres. Hindi siya makausap nang maayos, palagi siyang nakasinghal, samantalang wala namang nakikitang dahilan ang production staff kung bakit siya nag-iinit ng ulo.

“Alam na this! Lumilipad ang utak ng babae, hindi siya mapakali. Inaapuntahan kasi siya ng selos, gusto niyang sundan-bantayan ang love niyang male personality para makasiguro siyang walang nangyayari.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Bautista Silverio, what is beauty if your panty is dirty, di ba naman?” pagtatapos ng aming source na napapailing na lang sa mga kalokahan ng female personality.

a

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending