DAIANA MENEZES nasa panganib ang buhay, kailangang mag-ingay sa media | Bandera

DAIANA MENEZES nasa panganib ang buhay, kailangang mag-ingay sa media

Jobert Sucaldito - June 14, 2013 - 01:39 PM


Ngayong nagsimula nang magpakalat ng mensahe si Daiana Meneses regarding her pagiging battered woman sa piling ng whoever na ayaw niyang pangalanan sa Twitter, puwes, dapat panindigan niya ito para maproteksiyunan ang kanyang buhay.

Hindi rin daw kasi basta ordinaryong tao ang kabanggaan niya, isang mataas ding opisyal ng pamahalaan na well-connected and influential.Alam n’yo naman dito sa bansa natin, pag mayaman ka at malakas sa gobyerno, liyamado ka.

Kaya kailangan daw sa mga katulad ni Daiana na inapi at nilapastangan ng kung sino man, dapat daw ay mag-ingay siya to the max para maging celebrated ang case niya para makamit ang hustisya.

Dito lang daw siya makakasiguro kahit paano na maprotektahan siya ng pamahalaan. Siyempre, kapag nga naman laging tinututukan ng media ang kaso niya ay posibleng hindi siya galawin ng taong gumawa sa kanya ng hindi maganda.

Baka kasi bukas-makalawa, pag hilaw ang magiging takbo ng kanyang reklamo laban sa taong nanakit sa kanya, baka siya pa ang makasuhan. Huwag naman sana pero dapat ay lumaban nang todo itong si Daiana or settle na lang with whoever nang maayos if she fears for her life.

Or di kaya bumalik na lang siya sa Brazil at manahimik. Hay naku, nakakatakot ang kalagayan niya ngayon, ha. Kaloka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending