Tropa ni Carl Arnaiz sinalvage | Bandera

Tropa ni Carl Arnaiz sinalvage

- September 06, 2017 - 06:57 PM

NATAGPUAN na ang 14-anyos na kasama ng  19-na anyos na napatay na si Carl Angelo Arnaiz kung saan nagtamo ito ng 30 saksak sa iba’t ibang bahagi matapos matagpuang patay sa Gapan City, Nueva Ecija, ayon sa isang opisyal ng pulis.
Sinabi ni Gapan City Police Chief P/Supt Peter Madria na natagpuan ang nawawalang binatilyo na si Reynaldo de Guzman, sa Dariz Funeral Home sa San Roque kahapon.
Idinagdag ni Madria na nadiskubre ng isang residente ang katawan ng biktima sa isang sapa ganap na alas-11:30 ng umaga. Iniulat ito sa pulisya ganap na ala-1:30 ng hapon.
Sinabi ni Madria na positibong kinilala ng mga magulang ang mga labi ng kanilang anak.
Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at sa kanyang ulo. Nakabalot din ang ulo ng biktima ng packing tape.
Huling nakita si De Guzman kasama si Arnaiz noong Agosto 18 matapos lumabas ang dalawa para magmiyeryenda sa kanilang lugar sa Cainta, Rizal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending