Sharon ‘napa-oh my God’ sa ika-3 pelikulang gagawin nila ni Robin
KINUMPIRMA ni Megastar Sharon Cuneta na ang dati niyang kalabtim na si Robin Padilla ang makakapareha niya sa bagong pelikula ng Star Cinema.
Magsisimula na silang mag-shoot ngayong September.
“It’s a very nice story. It’s a rom-com. Uso ngayon. People like mga light movie nowadays. Good vibes,” lahad ni Mega sa blogger’s conference ng Cinemalaya movie niya na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.”
Tantya ni Mega, this will be her and Robin’s third movie together na ididirek ni Cathy Garcia Molina. Nagulat pa si Sharon realizing na ganu’n ka-handful lang ang pelikulang nagawa nila ni Robin.
“Oh my God! 3rd lang nga,” laking gulat ni Sharon. “Well, he’s been in my life forever. Actually ang tawagan namin sa isa’t isa, kambal.
“Pareho kami ng sense of humor saka malalim si Robin pag seryoso yung usapan. Hindi lang kami nag-uusap about politics kasi anti-politics ako,” diin ni Mega.
Talagang hindi raw siya nag-campaign for any Presidentiables last election out of respect kay Sen. Grace Poe. Katwiran ni Mega, hindi kasi siya nakapagkampanya sa yumao nitong ama na si Fernando Poe, Jr. nu’ng tumakbo ang Action King for Presidency na best friend niya.
She was told na ‘yung movie nina Toni Gonzaga and Piolo Pascual na “Starting Over Again” ang reunion project sana nila ni Richard Gomez 10 years ago. Buntis daw siya that time sa anak niyang si Miel at tumaba siya. Kaya laking panghihinayang ni Mega.
“But no, bagay din sina Piolo at Toni. I’m a Toni fan since yung first movie niya with Vhong Navarro. Napakanatural ng batang yan. Actually, tawang tawa ako sa kanya. Magaling siya,” sabi pa ni Mega.
q q q
May tsismis na maaaring kasama sa movie nina Sharon at Robin sa Star Cinema ang JoshLia loveteam.
Hindi pa raw sure kung kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto pero welcome na welcome raw kay Mega na may younger generation of stars sa movie nila ni Binoe.
Incidentally, Joshua received his first acting award sa 33rd Star Awards for Movie bilang Best New Male Actor last Sunday. Naging emotional si Joshua when he accepted his trophy.
Mas sasaya pa siguro ang feeling proud na si Joshua sa natanggap na award kung nandoon din si Julia na aalayan din niya ng kanyang trophy.
Hindi kasama ng aktor si Julia nu’ng dumating sa Resorts World that night. But two days before that ay nakasama kami ng JoshLia loveteam sa grand opening ng bagong sinehan sa CitiMall sa Imus, Cavite last Friday.
Ang CitiMall ay nakipag-partner sa ABS-CBN para sa mga sinehan sa kanilang mall sa Imus. Dumating siyempre ang Star Cinema executives na sina Malou Santos at Olivia Lamasan, gayundin ang may-ari ng Citimall also Chairman and CEO ng Jollibee Foods Corporation na si Tony Tan Caktiong at ang Mayor ng Imus na si Emmanuel Maliksi.
Pinasinayahan ng mga nabanggit na personalities at siya ring nag-cut ng ribbon para sa pormal na pagbubukas ng sinehan kung saan unang isinalang ang pelikula nina Joshua at Julia na “Love You To The Stars And Back.”
Bago pumasok sa sinehan ay bumati muna sina Joshua at Julia sa fans nila na matiyagang naghintay para makita sila nang personal sa stage sa loob ng CitiMall.
Super successful ang ginanap na grand opening ng CitiMall Cinema kaya tiyak na dudumugin na ito ng mga taga-Imus dahil hindi na nila kailangang lumuwas pa sa syudad para mapanood ang magagandang pelikulang handog ng Star Cinema.
Again, our congratulations to CitiMall and Star Cinema!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.