Lupang nakasanla tutubusin; pinagsanlaan missing | Bandera

Lupang nakasanla tutubusin; pinagsanlaan missing

- June 14, 2013 - 01:15 PM

DEAR Atty:
Ako po si Junifer, 38, nakatira sa Marilao, Bulacan. Nine years na po akong hiwalay, may dalawang anak sa dati kong asawa. Kinasal po kami sa civil pero none appearance po. May kinakasama na po ‘yung dati kong asawa, ganoon din po ako. Maaari pa po ba ako makasal sa kinakasama ko ngayon? – Junifer …1092

Dear Junifer:
Sa kwento ninyong “kinasal po kami sa civil pero none appearance po,” magandang ikuwento ninyo ito nang bung-buo sa judge. Pero bago iyan mangyari ay kailangan ninyong magsampa ng petition for declaration of nullity of void marriage.
Isumite ang certified true copy ng inyong marriage contract sa judge at saka ikuwento ang sinasabi ninyong kasal kayo sa civil pero none appearance naman. Ang inyong kasal ay mapapawalang-bisa.—Atty
Dear Atty.:
Magandang araw po sa inyo. Magtatanong po sana ako tungkol po sa nakasanglang lupa ng lolo ko. Yung lupa po kasi ng lolo ko ay nakasangla sa dati niyang kaibigan. Ngayon gusto na pong paghatian ng mga kapatid ng mama ko ‘yung lupa kaso po yung titulo noong lupa ay ibinigay doon sa pinagsanglaan ng lolo ko. At hindi po nila matunton kung nasaan na sila ngayon. Itatanong ko po kung pwede bang magpagawa ng bagong title ng lupa ang mga magulang ko o ano po bang mga options na magreresolba po nito? Gusto ko pong maliwanagan. Sana po ay mapagbgyan n’yo ako. – Joe, 32, Bacolod City, 9164

Dear Joe:
Kung magpapagawa kayo ng bagong titulo habang ito ay nakasanla sa iba, ito ay krimen sa ating batas. At dahil isang krimen ‘yan, posible kayong makulong o sinuman sa mga kaanak ninyo ang magpagawa ng bagong titulo.
Ang suggestion po natin ay kumuha kayo ng certified true copy mula sa Registry of Deeds upang ma-trace at mahanap ninyo ang pinagsanlaan upang ito ay matubos ninyo at sa sandaling matubos ay maaari nang paghatian. – Atty

Dear Atty.:
Ask ko lang po kung ano ang pwede kong gawin para mahati na at mapatituluhan ang residential lot na naiwan sa aming limang magkapatid noon ng aking yumaong ama. Kasi po menor de edad pa kaming tatlo noon kaya ang perang dapat sana ay parte naming tatlo ay ibinili namin ng share ng lupa ng dalawa naming kapatid na matanda. May deed of sale po kami na may pirma nilang dalawa, namatay na po ang isa sa kanila, ang isa ay nakatira pa rin sa lupa namin.
Matatanda na kami pare-pareho at gusto kong mapakinabangan ang lupa kaya lang baka di pumayag ang isa kong matandang kapatid. Ano ang dapat ko pong gawin legally? Salamat po. – Angel, 72, Cavite City, …5928
Dear Angel: Kung ang inyong lupa ay may titulo na, kumuha ng serbisyo ng “surveyor” upang ito ay masukat ayon sa inyong kagustuhan. Isumite ang sukat at “extrajudicial settlement of estate,” pagkatapos ay magbayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue, sa Land Registration Authority- Registry of Deeds upang mabigyan na kayo ng bagong titulo, ayon sa mga sukat na inyong nais. – Atty
vvv
May tanong ka ba na nangangailangan ng legal na opinyon? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374 o 09999858606

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending