Sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Mulanay, Quezon, nitong Linggo, pero walang naiulat na nasugatan, ayon sa pulisya.
Pinaniniwalaan na sadyang itinanim ang bomba para makapagdulot ng casualty sa mga tropa ng pamahalaan dahil malapit pinangyarihan sa pinagkukunan nila ng tubig, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang pagsabog dakong alas-9 ng umaga sa isang kalsada sa Sitio Paitan, Brgy. Santa Rosa.
Nakatagpo ng mga piraso ng detonating cord, blasting cap, ammonium nitrate, baterya, at wire sa pinangyarihan, ayon sa ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending