NAGDESISYON ang Commission on Appointments (CA) na ipagpaliban ang kumpirmasyon ni Agrarian Reform Secretary Rafael “Paeng” Mariano.
Nagmosyon si Sen. Gringo Honasan na isuspinde ang pagdinig para mabigyan ng panahon ang mga miyembro na repasuhin ang mga isyu laban kay Mariano.
Isa lamang sa anim na naghain ng oposisyon sa pagkakatalaga kay Mariano ang naisalang ng CA.
Itinakda sa Setyembre 5 ng susunod na pagdinig sa kumpirmasyon ni Mariano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending