Jake, Daniel sukdulan na ang kasamaan | Bandera

Jake, Daniel sukdulan na ang kasamaan

Reggee Bonoan - August 30, 2017 - 12:25 AM

MAGALING talagang kontrabida si Jake Cuenca at siguradong walang kokontra sa amin lalo na kapag napapanood siya sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime.

Base sa napanood naming episode nitong Lunes sa Ikaw Lang Ang Iibigin ay sobrang sama ng karakter ni Jake bilang si Carlos dahil para hindi sila mabuking ng tunay niyang tatay na si Rigor (Daniel Fernando) sa kasalanan nila ay gagawan niya ng kaso si Gabriel (Gerald Anderson) para makulong ang binata.

Isa pang magaling din sa karakter niyang walang kuwentang ama ay si Daniel dahil hahayaan niyang mapasama ang anak-anakan niyang si Gabriel na wala namang ginawa sa kanya kundi alalahanin at alagaan ang lola nitong si Gina Pareño (Lola Lydia).

Pero baka naman sa huli ay ma-guilty si Rigor at pigilan si Carlos sa gagawin nito kay Gabriel dahil sasama ang loob ng lola nitong si Lydia na ina naman ng una.

Mauulit ang ginawa ni Rigor kay Maila (Bing Loyzaga) kung saan hahampasin para mapilay din ang anak nitong si Bianca (Kim Chiu) na ipinakita sa trailer na may dalang pamalo at sabay hold-up.

Samantala, kakasuhan naman ni Maila si Rigor na siya nga ang pumalo sa kanya para maging baldado dahil ang binayaran nitong may-ari ng ukay-ukay ay nagtapat na at handang tumestigo sa korte laban sa ama ni Carlos.

Magaling na si lola Lydia at nakauwi na sa bahay kaya abangan kung ano ang mga susunod na mangyayari sa Ikaw Lang Ang Iibigin handog ng Dreasmcape Entertainment na patuloy na tinatalo ang katapat na programa sa kalabang network.

Samantala, marami namang humanga kay Gerald dahil sa matinding pagmamahal niya sa mga aso.

Malapit nang maging operational ang ospital na ipinagawa niya para makapagbigay ng healthcare services sa mga nasusugatang aso. Ayon sa aktor, tapos na raw ang building ng K9 Hospital at kinukumpleto na lang nila ang magiging equipment at facilities nito.

Ang proyektong ito ay bahagi pa rin ng Gerald Anderson Foundation na itinatag ng aktor last year na ang main ibjective ay mag-train ng mga aso para sa search and rescue operations na magagamit tuwing may kalamidad o trahedya sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending