Win streak itataya ng Ginebra, Blackwater | Bandera

Win streak itataya ng Ginebra, Blackwater

- August 30, 2017 - 12:15 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Blackwater
vs TNT KaTropa
7 p.m. Barangay Ginebra vs Phoenix
Team Standings: Meralco (5-1); Barangay Ginebra (4-1); Star Hotshots (4-1); NLEX (6-2); Rain or Shine (4-2); San Miguel Beer (3-2); TNT KaTropa (3-2); Blackwater (3-3); GlobalPort (2-3); Phoenix (2-6); Alaska (0-6); Kia Picanto (0-7)
ITATAYA ngayon ng Barangay Ginebra at Blackwater Elite ang kanya-kanyang winning streak ngayon kontra sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Governors Cup sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.
Aasintahin ng Gin Kings ang ikalimang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa bumubulusok na Phoenix team dakong alas-7 ng gabi habang pupuntiryahin ng Blackwater ang ikaapat na diretsong pagwawagi laban sa delikadong TNT KaTropa sa unang laro ganap na alas-4:15 ng hapon.
Nabigo ang Ginebra sa una nitong laban kontra Meralco Bolts, 78-93, noong Hulyo 23.
Pero mula noon ay tumuhog ng apat sa sunod na tambakang panalo ang Gin Kings kontra GlobalPort (124-108), Kia Picanto (120-90), NLEX (110-97) at Alaska (94-80).
Kontra Phoenix ay muling nalalagay sa llamado ang Ginebra lalo pa’t papasok ang Fuel Masters sa laban ngayon na bitbit ang six-game losing skid.
Nagwagi ang Phoenix sa unang dalawang laro ng season-ending conference pero mula noon ay hindi pa nakakatikim ng panalo ang Fuel Masters
Taliwas naman ito sa sinapit ng Blackwater na inumpisahan ang torneyo na may three-game losing streak pero nakabalik sa kontensyon matapos na manalo sa huling tatlong laban kontra Phoenix (92-86), NLEX (107-106) at Alaska (111-106).
Nanganganib naman na maputol ang winning run ng Elite dahil makakasagupa nito ngayon ang palabang TNT KaTropa.
Matapos na matambakan ng Rain or Shine (105-73) noong Agosto 20 ay bumalikwas ang TNT sa isang panalo laban sa Phoenix (110-103) sa huli nitong laro nitong Agosto 25.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending