Sinong sinungaling: Lacson o Faeldon? | Bandera

Sinong sinungaling: Lacson o Faeldon?

Jake Maderazo - August 28, 2017 - 12:15 AM

MAINIT ang digmaan sa media nitong ex-PMAers na sina Capt Nicanor Faeldon at Sen. Ping Lacson nitong nakaraang Linggo.
Sabi ni Lacson, P100 milyon ang “pasalubong mmoney” kay Faeldon bukod pa sa “weekly tara” na sangkot din ang halos lahat ng division heads, port collectors ng buong Customs. Meron pang finders’ fee na P25 milyon mula kay Joel Teves. Inilabas din ni Lacson ang mga pangalan ng mga Customs officials sa ginawa niyang privilege speech.
Sumagot naman si Faeldon sa isang madramang presscon sa luma at sira-sirang bahay sa Taguig at binulgar na number one cement smuggler ang anak ng senador na si Pampi Lacson Jr. Ang BuonJourno, kung saan ito ang managing director, ay merong 67 shipments ng semento na ang halaga ay P4.6 bilyon pero ang “paid up capital” ay P20,000 lamang.
Sumang-ayon naman ang Cement Manufacturers Association of the Philippines (CMAP) kay Faeldon at sinabing ang BuonJourno nga ang pinakamalaking smuggler ng semento. Diumano sa dapat bayarang $16-$22 bawat tonelada, $8- $9 lamang ang binabayaran nito sa Customs, na isang uri ng “technical smuggling”, ayon sa presidente ng grupo na si Ernesto Ordoñez.
Pinabulaanan naman ni Lacson ang mga alegasyon at sinabing hindi “covered” Customs tariff ang semento. Sinabi pa nito na masyadong mataas ang $12 tarifff at bukod pa diyan dokumentado raw lahat ang mga trabaho ng kanyang anak.
Sinabi pa nito siya mismo ang magkakaso kung sangkot ang anak sa smuggling. Ayon pa kay Lacson, malinis ang kanyang konsensya dahil kung alam niyang may maibabato sa kanya ang mga taga-Customs ay hindi na siya nagbulgar ng mga katiwalian dito.
Kung susuriin, mainam talaga kapag nag-aaway at nagbubulgaran ang mga opisyal ng gobyerno. Lumilitaw ang kanilang mga baho. Ang mahirap lang ay kanino dapat maniwala ang publiko, lalo na kung parehong may problema ang dalawang panig.
Sa ganang akin, yung kaso ni Pampi ay “technical smuggling” na “sinadyang ” pabayaan ni Faeldon mula noong Oktubre nang unang inilapit ng CMAP. Hindi niya kinasuhan ang anak ng senador, marahil ang akala ni Faeldon ay alam ni Ping ang ginagawa ng anak nito. Alas ba niya ito, proteksyon? Pero maliwanag na binunot niya ito nang bumanat na si Sen. Lacson.
Sa nakararaming mamamayan, wala na yatang malinis sa gobyerno. Lumilitaw rito na ang mga opisyal ay may kanya-kanyang raket kahit anong linis ang palabas sa tao. Pang-Showbiz ika nga.
Si Sen. Lacson na may anak na inaakusang “technical smuggler” ng P4.6 bilyon halaga ng semento ng kumpanyang P20k lang ang paid up capital. Ibig sabihin, “buwis ng gobyerno ang dinadaya” na sa halip na $16 per metric ton ang binabayaran ay $8-9 lang ang pinapasok. Gayunman, dokumentado at “in order” daw at walang kasong naisampa rito.
Si Faeldon na nagmamalinis na hindi raw totoo ang P100 milyon na pasalubong sa kanya at tinanggihan daw niya ang nag-alok ng P300,000 weekly. Ang nakarating sa akin, P40 milyon cash linggu-linggo ang dumarating sa kahit sinong customs chief noon at ngayon at ito’y para sa mga “containers” lamang. Hindi pa kasama rito ang “oil smuggling” sa ibat ibang ports.
Kaya nga kung ako ang tatanungin, pare-parehong sinungaling po ang dalawang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending