Ate Guy magpoproduce uli ng pelikula, bibida sina Fanny at Paolo
BALIK sa pagpu-produce si Nora Aunor kahit isa ito sa naging dahilan kung bakit hindi siya nakapag-ipon noon ng pera.
Ibinalita ni Fanny Serrano sa kanyang Facebook account na agad niyang tinanggap ang offer ni Ate Guy na lumabas bilang kapatid niya sa pelikula.
Isang indie drama ang ipu-produce ni Nora kung saan makakasama rin si Paolo Ballesteros. “I am so honored!” bahagi ng post ni Tita Fanny.
Samantala, muling nagsama sa isang fashion pictorial sina Fanny at Ai Ai delas Alas after ilang years. Ipinamalas niya ang kanyang kakaibang creation para sa Millennial Shape ni Ai Ai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.