Dyowa ni Paul Salas biglang tsinugi sa teleserye nina Daniel at Kathryn?
PARANG mali naman ang pagtsugi ng produksiyon ng La Luna Sangre sa karakter ni Barbie Imperial dahil lang daw sa pagdepensa nito sa kanyang boyfriend na si Paul Salas.
Alam naman ng lahat na si Daniel Padilla ang bida sa La Luna Sangre kaya hindi maiiwasang ikonek sa away nila ni Paul ang pagtanggal kay Barbie. Feeling ng marami ay ang kampo ni Daniel ang nagpatanggal kay Barbie.
Minsan na nga lang magka-project ang mga tulad ni Barbie, tapos tinanggal pa. Just because she voiced out her opinion to defend her boyfriend ay tsinugi na?
“Dapat mismong sina Daniel at Kathryn (Bernardo) ang pumigil na alisin sa show si Barbie, iyon ay kung totoong hindi nila pinersonal si Paul. Labas naman iyon sa pagiging artista ni Barbie, di ba? Hindi naman sila pinagsalitaan nang masama nu’ng tao para pag-initan nila nang sobra. With that ay baka maapektuhan ang career nina Daniel and Kathryn. Wala silang awa sa mga baguhan.
“Gusto nila sila na lang ang tama palagi. Parang hindi sila dumaan sa pagiging baguhan. For sure, mag-iinarte silang dalawa na hindi sila ang may gawa para mawala si Barbie. Yung mga ganoong kaechosan pero ano pa nga ba ang magagawa ni Barbie eh, maliit na artista lang siya. Anong laban niya,” sabi ng friend namin.
Mali nga yung ganyan sistema kung totoo ngang tinanggal ang dalaga sa show dahil sa pagkampi nito kay Paul. We also agree na hindi dapat pinayagan ng produksiyon na maapektuhan ang trabaho nila just because affiliated si Barbie kay Paul. It’s very childlike and unprofessional.
Sana magawan pa nila ito ng paraan. It sends a bad signal sa industry natin. Kapamilya pa naman ang tawagan natin tapos ipapatsugi na lang pag hindi feel dahil may naganap lang na something. Or baka may iba pang paliwanag ang production about this?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.