OFW nais umutang sa OWWA | Bandera

OFW nais umutang sa OWWA

Liza Soriano - August 26, 2017 - 12:10 AM

ISANG pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan! Ang tatay ko po ay may 10 years na na nagtatrabaho bilang OFW sa bansang Saudi Arabia. Ang sabi niya sa nanay ko baka hindi na siya bumalik muli sa Saudi at gusto na lamang magnegosyo dito sa atin sa Pilipinas. May mga naririnig po ako na programa para sa OFWs tulad ng reintegration program na makakatulong daw para makapagtayo ng kahit na maliit na negosyo. Tama po ba na isa ito sa progtama ng OWWA? At para maka avail po ng loan ang tatay ko at magkaroon naman kami ng negosyo para matulu-ngan namin siya.
Salamat po.

Evelyn Dela Vega
Brgy. Marulas, Valenzuela City

 

REPLY: Ipinatutupad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang reintegration loan program o programang pagpapautang sa overseas Filipino workers (OFWs) upang magamit sa pagsisimula ng negosyo sa oras na magbalik na sila sa bansa.

Kabilang sa makiki-nabang sa naturang programa ang mga aktibong miyembro ng OWWA at mga dating miyembro na nagpasya nang bumalik sa Pilipinas mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa ilalim ng naturang programa, makakautang ng mula P300,000 hanggang P2 milyon ang kuwalipikadong OFW bilang puhunan sa pagsisimula ng kanilang negosyo na kanilang babayaran sa loob ng pitong taon at may interes lamang na 7.5% kada taon.

Nakapaloob sa naturang programa ang paglalaan ng P2-bilyong pisong pondo kung saan ang P1-bilyon ay magmumula sa trust fund ng OWWA habang tig-kalahating bilyon naman ang ibinuhos ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Gagabayan ng mga ahensiya ng pamahalaan ang mga kuwalipikadong OFWs sa pagtatayo ng kanilang negosyo upang matiyak na magiging matagumpay sila sa larangang pinasok.

Kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na aayuda sa mga nakapangutang sa programa ang Department of Trade and Industry (DTI) na magbibigay ng kaukulang payo sa pinasok na negosyo, ang Department of Agriculture na magtuturo sa mga nagnanais pasukin ang agrikultura at ang Bangko Sentral ng Pili-pinas na magmumula sa kaalaman kaugnay sa pananalapi.

Joselito Torres
OWWA deputy adminisrator

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending