Aguirre pinag-iinhibit sa kaso ni Kian | Bandera

Aguirre pinag-iinhibit sa kaso ni Kian

- August 25, 2017 - 05:11 PM

NANAWAGAN si Sen. Risa Hontiveros kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na mag-inhibit sa imbestigasyon kaugnay ng pagpatay sa Grade 11 na si Kian delos Santos matapos ang pagkiling sa mga pulis na kasama sa nangyaring operasyon sa Caloocan City.
“Nananawagan po ako kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pormal na mag-inhibit sa kanilang sarili sa pag-imbestiga sa pagpatay sa 11th grader na si Kian delos Santos,” sabi ni Hontiveros.
Idinagdag ni Hontiveros na nawalan na ng kredebilidad si Aguirre dahil sa kanyang mga pahayag sa isinagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa pagkakapatay sa 17-anyos na si Kian.
Matatandaang tinanong ni Aguirre kung ano ang pagkakaiba ng pagpatay sa isang adik at sa isang menor de-edad.
Idinagdag ni Hontiveros na dapat nang ihinto ni Aguirre ang kanyang pagnanais na ilipat sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ ang mga testigo kaugnay ng pagpatay kay Kian.
“Kung ilalagay pa sa kalinga ni Secretary Aguirre ang mga saksi, eh di para na rin nating hinatid ang mga tupa sa lion’s den,” giit ni Hontiveros.
Matatandaang tatlong testigo ang lumutang at humingi ng tulong kay Hontiveros para sila bigyan ng proteksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending