OFW hindi aalis ng Pinas kung tatapatan sinusuweldo sa abroad | Bandera

OFW hindi aalis ng Pinas kung tatapatan sinusuweldo sa abroad

Susan K - August 25, 2017 - 12:10 AM

MARAMING trabaho na maaaring likhain ang Duterte administration sa loob mismo ng ating bansa matapos ang sunod-sunod na pakikipag-pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t-ibang mga lider sa ibayong dagat.

Positibo at talaga namang magandang balita ito. Kaya nga lamang, duda pa ring umuwi ang ating mga kababayan. Nag-iisip pa rin kung tatanggihan ang mga patrabahong inaalok sa kanila sa abroad.

Hindi na pinag-iisipan yan ‘ika nga, sabi ng marami sa kanila.

Siyempre, ang malaking suweldo pa rin ang pangunahing dahilan bakit pinipili nilang mag-abroad.

Marami ang hindi ganoon kasigla sa mungkahi na paano kung dalhin na nga lang sa bansa ang mga trabahong ito sa abroad, para maiiwasan na ang kanilang pag-alis ng Pilipinas.

Ang tanong nila: Pareho bang suweldo ang tatanggapin namin kung hindi na kami aalis ng bansa? Dahil kung sa abroad ‘anya nila iyon gagawin para sa kaparehong trabaho, nakatitiyak silang hamak na napakalaki ng kanilang sasahurin kasama na ang maraming mga benepisyo at pribilehiyo.

Tulad na lamang ng minsang naikuwento ni Emy sa Bantay OCW. Gayong 10 taon na siyang nagtatrabaho sa Hong Kong, inasam niyang lumipat ng iba pang bansa tulad ng Canada dahil kahit pareho anyang trabaho bilang domestic helper, mas mataas pa rin ang sasahurin nila sa Canada.

Ganyan mag-isip ang ating mga OFW. Para sa mga tinaguriang “timer” na sa pag-aabroad, o yaong mga dekada na ang ginugol sa pagtatrabaho sa ibang lupain, nagkukumpara na sila ng mga bansa kung saan mas mataas ang suweldo, mas marami at may magagandang benepisyo hindi lamang para sa OFW kundi lalo pa kung may oportunidad na madala ang kanilang mga kapamilya doon.

Para naman sa mga trabahong iaalok sa Pilipinas, Sa hirap din namang maghanap ng trabaho dito, tiyak namang susunggaban ito ng ating mga kababayang wala pang karanasang mag-abroad.

Gagamitin nila ang tsansang ito upang makapag-sanay at magdagdag ng kanilang “job experience” upang mas madali ‘anyang makapag-apply sa abroad.

Pag-aabroad pa rin ang dulo ng kanilang mga kaisipan. Kaya nga pag nagbibiruan ang Pinoy, aminado silang “abroad-minded” ‘anya sila at mahilig talagang mag-byahe.

Kapag tatanungin natin ang mga batang kadete na nag-aaral sa maritime school, halos pare-pareho ang sagot nila kung bakit nais nilang maging seafarer. “To travel the world for free”.

Gayong ayon naman sa mga nakatatanda, hindi ‘anya libre ang kanilang paglalayag, dahil pinagtatrabahuhan nila iyon. Pero ang suma-total pa rin na gusto ng Pinoy: Ang lumabas ng bansa at magtrabaho sa abroad. Lalo pa sa mga bansang mas matataas magpasuweldo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending