Gerald: Nakakatakot mawala sa mundong minahal mo na!
Diretsong inamin ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson na natatakot din siyang malaos at makalimutan ng mga tao.
Malaki ang utang na loob ni Gerald sa mundo ng showbiz dahil ito ang humubog sa kung anuman siya ngayon, kasama rin ang mga taong nangangalaga sa kanyang career at sa lahat ng taong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.
“There’s always fears, but I turn it into parang motivation ko. Takot ako na baka I’m not good enough. Baka hindi ako bagay sa role. I think yun ang obstacles lagi bilang artista. Mawala yung popularity?
“Yeah, fear din yun, kasi nae-enjoy ko lahat ito, di ba? Ang dami kong oportunidad na nakukuha dahil sa popularity ko, yung power at influence para maka-inspire ng maraming tao dahil nga sa pagiging artista ko. Yes, nakakatakot mawala,” pahayag ni Gerald nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment press sa ibinigay na media conference ng BARGN Pharmaceuticals para sa kanya.
Muli kasing pumirma ng kontrata ang aktor bilang celebrity ambassador ng CosmoCee Vitamin C na nagpapalakas ng immune system, nagbibigay ng ekstrang lakas, vitality at malaking tulong din sa pag-maintain ng good skin elasticity.
Ayon kay Gerald, ang commitment ng BARGN sa kalusugan at wellness ang siyang dahilan kung bakit nag-renew siya ng kontrata bilang endorser. Bukod pa ‘yan sa patuloy ng pag-innovate ng kumpanya sa larangan ng cosmoceuticals, neutraceuticals, pharmaceuticals, vitamin supplements, pati na rin ng cosmetics.
In-announce rin sa presscon ni Gerald ang pagbubukas sa Dasmariñas Cavite Technopark ng pinakabago at fully-integrated manufacturing facility ng BARGN na itinatag noong 2006 nina Nino Bautista at John Redentor Gatus, Jr. na napakalaki ng tiwala at bilib kay Gerald.
Samantala, sinabi rin ni Gerald na pangarap din niyang makapag-propduce ng sariling pelikula, pero sa ngayon concentrate raw muna siya sa kanyang pagiging triathlete at aktor.
Napapanood siya ngayon sa top-rating daily series ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin with Kim Chiu, Jake Cuenca, Coleen Garcia, Gina Pareño at Michael de Mesa. Patayan din ang taping nila sa nasabing serye dahil bukod nga sa matitinding dramahan, sumasabak din sina Gerald, Kim at Jake sa mga triathlon.
Balitang papasok na rin ang magaling na aktor na si JC Santos sa serye, ang bagong manggulo kina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim Chiu), “Abangan n’yo! Marami pang manggugulo. Let’s see! Medyo may connection! Malapit na!” biting pahayag pa ni Gerald.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.