'Minsan para kaming aso't pusa ni Papa Ahwel Paz pero mahal namin ang isa't isa!' | Bandera

‘Minsan para kaming aso’t pusa ni Papa Ahwel Paz pero mahal namin ang isa’t isa!’

Jobert Sucaldito - August 25, 2017 - 12:15 AM

AHWEL PAZ

I’VE stopped counting the years basta sa pagkakaalam ko matagal na kaming magka-partner ng mahal kong BFF na si Papa Ahwel Paz sa “Showbuzz” (dating Mismo) program namin sa DZMM.

Ilang palit na rin kami ng timeslot at mukhang matatagalan pa bago kami makaalis sa 10:30-11 p.m. dahil marami ang nakikiusap na ibalik sa one hour ang aming entertainment program sa number one radio network ng bansa. Ewan ko lang kung mapagbibigyan ang clamor ng mga fans. Fans daw, ow! Ha! Ha! Ha!

Anyway, for many years, hindi yata ako nakapag-absent sa birthday celebration ni Papa Ahwel na palagi namang bonggang-bongga and star-studded. Nakakainggit nga siya dahil yung ilang important showbiz celebrities natin na dati kong naiimbitahan sa birthday celebrations ko before na di na sumisipot ay doon ko nakakabungguang-siko. Baka nagsawa na sila sa akin kaya kay Papa Ahwel naman sila dumidikit. Ha! Ha! Ha!

Papa Ahwel Paz has a big heart – bigger than his 5’4″ frame. Ha! Ha! Ha! He is very intelligent and logical. Ang kinaiinggit ko sa kaniya ay kung paano niya naha-handle ang bawat sitwasyon or debates without necessarily being pikon. Ako kasi, sobrang passionate sa maraming issues at minsan di ko na napapansin na nang-aaway na pala ako. Ha! Ha! Ha!

Pero Papa Ahwel still finds time to balance me during the program. Malayong matalino siya sa akin in terms of books and knowledge pero matalino naman ako sa experience and whatever. Basta masaya lang kami, minsan para kaming aso’t pusa during our program pero right after the show ay back to normal din kami.

This time (today) ay di muna magpa-party si Papa Ahwel. Siguro a simple dinner lang with some family members and close friends. Cost-cutting muna pero tuloy pa rin ang social services niya, ang mga charity works niya during his birthday. Medical mission for some members of the press, pakain sa mga less-fortunate na hindi naman niya ina-announce di tulad ng marami riyan.

“Bakit di tayo invited ni Papa Ahwel sa simple dinner niya, ‘Nay? Di ba tayo kasama sa close friends niya?” ang di ko alam kung seryosong tanong ng alaga kong si Kiel Alo the other night when he joined me and Papa Ahwel sa DZMM.

Tawa ako nang tawa sa tanong ni Kiel. Parang batang naghanda na ng isusuot para um-attend ng birthday party pero di naman pala invited. Hindi naka-react agad si Papa Ahwel nu’ng sinabi ko sa kaniya ang tanong ni Kiel.

Anyway, Papa Ahwel is such a blessing to the industry. Napakasipag at kakaiba magtrabaho. Hindi marunong magreklamo kahit kaliwa’t kanan ang itinatakbo nito para mapaganda lang ang programa. If he is assigned to do interviews here and there, asahan mo that he delivers.

My love for papa Ahwel will for sure remain till the end of time. He is not just a wonderful man but a good family member. Mahal na mahal niyan ang kaniyang asawa’t anak – his only beautiful daughter Elijah is sooooo sweet and respectful. Papa Ahwel loves his mom (Nanay Nene) so much kaya lalo ko siyang minahal. Mahal ko ang mga taong may pagmamahal at paggalang sa kanilang mga magulang lalo na sa kanilang ina.

Kahit ganito ako kaloka-loka at katapang sa tingin ng iba, I have always been a good son. Kaya ang binabarkada ko ay yung mga mapagmahal sa kanilang mga magulang like Papa Ahwel nga, Kuya Boy Abunda, Nanay Cristy Fermin, Ronnie Carrasco III and many others.

Ngayong birthday mo Papa Ahwel, I just wish you the best in everything – good health, long life and more money para mautang ko ulit. Ha! Ha! Ha! Huwag kang mag-alala makakabawi rin ako sa iyo one day. Magkano pa ba ang balance ko? Ha! Ha! Ha!

I love you Papa Ahwel to the moon and back. Echos! May masabi lang that sounds very millennial, di ba? Nabasa ko lang po ang saying na iyan kaya copy paste lang po ito. Kidding aside, I mean it from the bottom of my heart. Sana ay marami ka pang matulungan. Totoo pala ang sinasabi nilang big surprises truly come from small packages. You know what I mean. Charrrottt!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hay naku, since absent ka tonight sa “Showbuzz”, hahanap na naman ako ng karelyebo mo. Sana available si RK Villacorta para hindi ako mahirapang itawid ang 30 minute-program natin – 30 minutes na nga lang di ko pa rin kayang mag-isa. Ano ‘to?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending