Payo ng magulang kay Kris: Ilayo na si Bimby sa social media
AGREE kami sa naging paliwanag ni Kuya Ricky Lo hinggil sa “violent reaction” nina Kris Aquino at Michela Cazolla sa naisulat niyang artikulo tungkol sa kanilang respective son.
Nag-ugat nga ang lahat sa naging headline ng kaibigan at colleague nating entertainment editor sa mga naging kaganapan sa birthday celebration ng anak nina pareng James Yap at Michela na si Baby MJ na hindi nga napuntahan ng half-brother nitong si Bimby.
Ang punto ng mga nanay ng dalawang anak ni Pareng James ay hindi tamang gamitin o intrigahin ang mga walang kamuwang-muwang na bata sa balitang showbiz, lalo pa’t hindi naman daw kinuha ni Kuya Ricky ang kanilang side tungkol sa istorya nito.
Sa bahagi ng depensa ni Kuya Ricky, pinayuhan nito si Kris at ibang pang celebrity moms na bago nila kastiguhin o punahin ang iba patungkol sa mga anak nila sa social media, sila muna raw ang dapat matutong magsala ng mga bagay-bagay when using their children in their posts.
Kahit paulit-ulit pang sabihin at gawing depensa ng mga celebrity moms na they have all the right sa kanilang mga social media posts na kasama ang mga anak nila, they should be reminded na hindi sila mga basta-bastang personalidad lang sa bansang ito.
Meron at merong mamimintas, mamba-bash at gagawa ng kung anu-anong isyu pabor man o kontra sa mga trip nilang gawin sa buhay.
Sa lakas ng powers ng social media, feeling entitled ang bawat netizen at alam na alam ni Kris na gamit na gamit nga nila ang socmed when they want to vent out, cry foul, and even when they simply make paandar o pasikat ng kung anek-anek sa buhay nila.
Ang payo ng ilang magulang kay Kris, tigilan na ang pagpo-post ng mga picture ni Bimby at mga ganap sa buhay ng bagets para wala nang nasisilip ang mga tao. Kung nais niyang maging pribado ang buhay ng kanyang mga anak, huwag na siyang post nang post ng kung anu-ano tungkol kina Josh at Bimby.
q q q
Hanga kami sa pagpapakita ng good ethics ng New York-based professional acting teacher na si Anthony Vincent Bova.
Kinuha siya ng GMA Artist Center para mag-conduct ng three-day acting workshop using his mentor’s technique, the famous actor-author Eric Morris.
May gusto kasing mang-intriga sa kanyang sistema (and talent fee) as compared sa much-publicized style ng mga tulad din niyang acting coach na nakailang workshop na sa ibang network.
“I cannot comment on that. We have varied techniques and styles and I am only obliged to my client and my future students,” simpleng sagot nito.
Inaasahan ngang hindi lang ito ang una at huling pagkakataon na magsasagawa siya ng acting workshop lalo pa’t noon pang 1983 pa pala nagsimula ang magandang relasyon ni Eric Morris sa ilang kilalang Pinoy celebrities tulad ng yumaong actor-director na si Johnny Delgado.
Incidentally, makakatuwang ni Anthony Bova sa kanyang tatlong araw na workshop ang Actor’s Workshop Foundation ng actress-director na si Laurice Guillen, ang biyuda ni Mr. Johnny Delgado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.