Panawagan sa press: 'Huwag n'yo nang ibalita si Kris!' | Bandera

Panawagan sa press: ‘Huwag n’yo nang ibalita si Kris!’

Jobert Sucaldito |August 18,2017
facebook
share this

Panawagan sa press: ‘Huwag n’yo nang ibalita si Kris!’

Jobert Sucaldito - August 18, 2017 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

I MUST say that Kris Aquino’s integrity as a good mom to her children Josh and Bimby is unquestionable, kesehodang iba ang pamamaraan niya nang pagpapalaki at pagdidisiplina sa mga anak niya ay dapat lang nating respetuhin.

But this latest issue about her and our dear entertainment editor/friend Ricky Lo got overboard. She ranted like no other on social media, na para bang nakagawa ng malaking krimen si Tito Ricky sa pag-headline na nag-no show si Bimby sa first birthday party ng half brother niyang si Baby MJ (anak ni Michela Cazzola kay James Yap).

Eh, hindi naman talaga dumating si Bimby sa party, anong kasalanan ni Tito Ricky by reporting so. Regardless pa nga kung nakumpirma niya o hindi sa organizer ng party na darating si Bimby sa party eh, the fact na hindi talaga dumating ang bata, what’s the big deal, Kris?

Nakakaloka lang dahil pinalaki nitong nagpapaka-brat muling si Kris ang item na iyon at gusto pa yata niyang mag-apologize ang editor sa kaniya dahil na-offend siya for her son. Siya na lang daw ang saktan, huwag lang ang mga anak niya.

Fine Kris! Tama ka naman na ikaw na lang ang saktan huwag lang ang anak mo. Ang tanong, sinaktan ba ni Tito Ricky si Bimby when he just wrote na hindi dumating si Bimby sa party? Anong artikulo sa batas ng tao at batas ng Diyos ang nagsasabing krimen iyon? It’s a non-issue kung tutuusin.

The best that Kris could have done after halimbawa’y nabasa niya ang headline was call Tito Ricky to share with him the story behind it. Pero para magwala siya na parang napakalaking kasalanan ang nagawa ng editor ay parang OA naman. Kasi raw parang nilalagay sa alanganin of sort ang kaniyang anak, na parang iniintriga dahil hindi dumalo sa birthday ng kapatid.

Eh, tooo namang hindi dumating, di ba? Tsaka celebrity ang anak niya, matagal na niyang in-expose si Bimby sa showbiz and social media kaya marami ang interesado to know kung dumalo nga si Bimby sa party ni MJ. Pero it was not intended to malign Bimby or what. It was a very objective point. Siya lang nagbigay ng malisya kaya lumaki ang isyu. What a brat!

At ang nakakaloka pa, parang niri-remind pa niya si Tito Ricky tungkol sa batas –- on Republic Act 7610 or protection sa mga bata. Naisip mo pa iyon, Kris? Na parang gusto mong palabasing nilabag ni Tito Ricky ang nasabing batas. Nakakatawa ka, Kris.

I don’t understand where Kris is coming from. Anong gusto niyang uri ng retraction or clarification? That Bimby attended the party gayong no-show naman talaga ang anak niya? Pati itong si Michela ay nakiisa pa sa sentimyento ni Kris at parang gusto pa yata nilang pagtulungan si Tito Ricky. Oh come on, these ugly women are up against a decent editor/writer. If I say ba “ugly women”, libelous na ba ito?

Kasi hindi naman talaga ako nagagandahan sa kahit sino sa kanila.

Anyway, with this, nakakabuwisit si Kris. Para namang wala silang pinagsamahan ni Tito Ricky all these years. Na parang walang naitulong sa karera niya ang tao kung tarayan niya. Na parang siya na lang ang palaging tama.

Ganito na lang kaya ang gawin natin, let’s stop writing about Kris Aquino? Let’s not help her sa kaniyang career and everything. Hayaan mo siyang isulat ang sarili niya sa social media as her own publicist para malaman niyang hindi lahat ng tao ay kaya niyang ibulsa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Aquino lang siya kaya siya yumaman. Kung hindi naman anak at kapatid ng dating senador at presidente eh wala namang career siguro iyan. Kaya don’t us. DON’T US, KRIS!!!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending