Gilas Pilipinas nalusutan pananakot ng China | Bandera

Gilas Pilipinas nalusutan pananakot ng China

Dennis Christian Hilanga - August 09, 2017 - 09:24 PM

BUONG loob na nalusutan ng Gilas Pilipinas ang pananakot ng China sa huling yugto at hilain ang 96-87 panalo upang impresibong simulan ang kampanya sa 2017 Fiba Asia Cup Miyerkules sa Nouhad, Nawfal Sports Complex sa Lebanon.

 Ibinuhos ni Terrence Romeo ang walo sa ginawang kabuuang 26 puntos sa huling 3:55 minuto para pigilan ang pagtatangka ng defending champion China na agawin ang pagdiriwang ng Gilas. Nagbaon si Romeo ng tres para itabla sa 87-87 ang laban bago ang jumper para sa 89-87 abante may 2:54 pa ang natitira sa orasan. |sa pang tres ang pinakawalan ni Romeo sa huling 2:12 minuto  para sa 92-87 unahan na tuluyang sumelyo sa pagwawagi ng pambansang koponan na kinubra ang 1-0 karta sa elimination round ng Group B. Mistulang matamis na paghihiganti rin ito para sa koponan ni head coach Chot Reyes na yumukod sa powerhouse na Chinese five sa championship game sa nakalipas na edisyon ng torneo noong 2013 at 2015. Pinunan ni Fil-German center Christian Standhardinger ang hindi paglalaro ni Junemar Fajardo dahil sa injury at pag-atras ni Andray Blatche na nagtala ng 15 puntos at anim na rebounds. Nagdagdag naman si Jason William ng 13 puntos habang may 12 puntos si Matthew Wright para sa Gilas na na may pitong manlalaro na may iskor na pitong puntos pataas mula sa 11-man roster nito. Agad na umalagwa ang Gilas sa simula ng laro tungo sa pagposte ng pinakamalaking lamang na 17 puntos at itala ang 16/26 field goal shooting sa first half. Napuwersa rin ng Gilas ang China sa 10 turnovers sa unang dalawang quarter sa kabila ng ejection ni Calvin Abueva sa 2:27 mark ng first quarter matapos tawagan ng disqualifying foul dahil sa pag-headbutt kay forward Li Gen kasunod ng pagbagsak sa sahig mula sa isang rebound play. Umahon mula sa pagkakabaon ang China sa fourth period para  kunin 83-82 ang abante mula sa layup ni Jinqiu Hu ngunit lumabas ang pagiging bayani ni Romeo sa krusyal na yugto para sa pampanalong porma at hindi biguin ang mga Pinoy fans na buong pusong nanood sa laban. Nanguna para sa China si Ailun Guo na may 18 puntos habang may 17 puntos si Peng Zhou. Makahaharap ng Gilas ang perennial rival Iran sa Biyernes bago tapusin ang elimination round sa Linggo kontra naman sa Qatar.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending