Angel pumayag makatrabaho uli si Angelica pero may kundisyon…
Okay lang kay Angelica Panganiban ang request ni Angel Locsin na walang sampalan scene sa bagong pelikula nilang “Wife Husband Wife” kung saan makakasama rin nila sila Richard Gutierrez.
Bukod dito, bibida rin siya sa comedy film na “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kasama si Judy Ann Santos. Pero huwag daw mag-alala ang mga fans niya na baka malito na siya sa kanyang mga ginagawa.
“Hindi bipolar naman ako, kayang-kaya naman,” paniniguro ni Angelica,” sabi ni Angelica sa panayam ng ABS-CBN.
Nang tanungin nga ang aktres kung magkakaroon uli sila ng pisikalan ni Angel sa pelikula, “Sampalan? Wala kami ha, iniwas na yata. Iningatan na saka parang ayaw niya, ‘yun yata ‘yung request niya para umoo siya. Sabi ko naman okay.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.