Gusto ng maghinto sa pag-aaral | Bandera

Gusto ng maghinto sa pag-aaral

Joseph Greenfield - August 06, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ryan ng Washington, Surigao City, Surigao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan po ay nag-aaral ako sa kolehiyo bilang guro, buwanan po ang bayad, tuwing mage-e-exam. Ang problema wala na kaming pambayad dahil utang lang ang pinambabayad namin sa tuition ko. Tuwing sasapit na lang ang bayaran ay nangungutang ang mama ko para lang mapagtapos ako ng pag-aaral, kaya sa pakiramdam ko pabigat na ako sa aming pamilya kaya balak ko na mag-hinto at maghanap na lang ng trabaho. Tama ba ang naiisip kong ito, maghihinto na lang ako at tutulong sa pagtatrabaho para mabawasan ang problema ng mga magulang ko? Kung maghihinto ako at maghahanap ng trabaho matatanggap naman kaya ako magkakaroon kaya ako ng magandang trabaho? January 17, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Ryan ng Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapag naghinto ka ng pag-aaral tuluyan ka ng hindi makakatapos dahil mawiwili ka ng magtrabaho. Ito ang nais sabihin ng Fate Line na huminto sa gitnang bahagi ng palad pero nag iba lang ito ng linya at nagpatuloy din (Illustration 1-1 arrow 1. at arrow 2.). Ibig sabihin delikadong maghinto ka sa kolehiyo dahil baka ang mangyari nito, kapag nakatikim ka ng suweldo puro trabaho na lang ang atupagin mo at hindi na maka-gradueyt sa kolehiyo.
Cartomancy:
Jack of Spades, Five of Spades at King of Diamonds (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing kapag nahinto ka sa pag-aaral, madali ka ngang magkakapera dahil bata pa lang ay matututo ka ng mag-trabaho pero habang tumatagal mararamdaman mong nilalait ka ng mga tao dahil nga hindi ka tapos ng kolehiyo, pero ang paglait na ito sa iyo ng mga tao, ang magpapayaman naman sa iyo sa bandang huli.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending