Mga sabit sa maanomalyang paggamit ng pork ng solon sinibak | Bandera

Mga sabit sa maanomalyang paggamit ng pork ng solon sinibak

Leifbilly Begas - August 02, 2017 - 02:48 PM

Ombudsman Morales

Hinatulang guilty ng Office of the Ombudsman sa mga kasong administratibo ang mga dating opisyal ng National Agribusiness Corporation, National Livelihood Development Corporation at Technology Resource Center kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pork barrel fund ni dating Misamis Occidental Rep. Marina Clarete mula 2007 hanggang 2009.
Ang parusa kina dating NABCOR Manager Romulo Relevo at Bookkeeper Maria Ninez Guañizo; NLDC Directors Emmanuel Alexis Sevidal at Chita Jalandoni, at Division Chiefs Gregoria Buenaventura, Ofelia Ordoñez at Sofia Cruz; TRC Chief Accountant Marivic Jover at Budget Specialist Consuelo Espiritu ay pagkasibak sa serbisyo.
Pero dahil wala na sa puwesto, ang parusa sa kanila ay gagawing multa na kasing halaga ng isang taon nilang suweldo.
Bawal na rin silang pumasok sa gobyerno at kinukumpiska ang kanilang retirement benefits.
Ayon sa Ombudsman binigyan ng ‘unusual accommodation’ ang P47.5 milyong Priority Development Assistance Fund ni Clarete na napunta sa mga non-government organization na Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa Foundation, Inc., Kasangga sa Magandang Bukas Foundation, Inc. at Aaron Foundation Philippines, Inc.
Ang PDAF ay para sa livelihood development projects sa distrito ni Clarete.
Ayon sa Commission on Audit hindi totoo na nagsagawa ng livelihood training at seminar.
“Instead of using the PDAF disbursements received by them to implement the livelihood projects, the officers of KKAMFI, KMBFI and AFPI, as well as their suppliers, all acting in conspiracy with Clarete and herein respondents, diverted the PDAF for their own personal benefits,” saad ng desisyon ng Ombudsman.
Ang mga sinibak ay nahaharap din ng patung-patong na kaso sa Sandiganbayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending