Dominasyon sa 2017 SEA Games, puntirya ng PH ice skating team
HANGAD ni Michael Martinez at ng buong Philippine ice skating team na madomina ang 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-30.
Pamumunuan ng Winter Olympian na si Martinez ang koponan ng Pilipinas na sasabak sa figure skating, speed skating at ice hockey na isasagawa sa unang pagkakataon sa darating na SEA Games
Makakasama ni Martinez sa koponan ang mga figure skater na sina Jules Alpe, Samantha Cabiles at Alisson Perticheto, ang speed skater na si Kathryn Magno at ang Team Pilipinas ice hockey squad.
Huling nagbulsa si Magno ng tatlong gintong medalya noong 2016 Tri Series South East Asia Cup sa Singapore at umaasa itong maduduplika ang tagumpay sa Malaysia.
Nagwagi naman ang PH ice hockey team ng bronze medal sa Division 2 sa 2017 Asian Winter Games.
“We’re hoping for the best, hope we’re going to make the country proud upon our return,” sabi ni Francois Gautier, team manager ng PH ice hockey team. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.