Thea Tolentino kinarir ang pagpapa-selfie kay Alexander Lee
KAISA si Thea Tolentino sa mga Korean drama fans na nagkagulo sa pinakabagong crush ng bayan sa bakuran ng GMA Network.
Nang ipinakilala si Alexander Lee bilang leading man ni Heart Evangelista sa bagong Kapuso serye na My Korean Jagiya, nagmadali si Thea na kausapin ang crew ng programa ng show para makasilip at makapagpa-picture kasama ang aktor.
Inamin ni Thea na fan talaga siya ni Alexander, mula pa noong kasama siya sa Korean boy group na U-Kiss kaya nang makakita ng pagkakataon ay sinunggaban na niya ito!
Kitang-kita naman ang saya sa mukha niya at talagang kinilig ang dalaga nang mag-selfie silang dalawa! Nag-comment ang boyfriend ni Thea na si Mikoy Morales sa kanyang Instagram post at mukhang nagseselos ito! Naaliw dito ang fans dahil mukhang kahit nagseselos si Mikoy ay suportado niya ang pagfa-fangirl ng girlfriend.
Pero kung anong lambing at cute ni Thea in real life ay ganoon naman kamaldita ang kanyang karakter sa afternoon series na Haplos bilang si Lucille.
Dahil sa masama niyang ugali ay pinalayas siya ng kanyang tatay na si Renato (Emilio Garcia), na siya namang ikinagalit niya. Para makaganti ay ginamitan niya ng pangungulam ang kanyang sariling ama para bigyan ng leksyon.
Lumalala na talaga ang kasamaan ni Lucille! Paano kaya siya pipigilan ng kanyang half-sister na si Angela (Sanya Lopez) sa mga masasamang plano niya? ‘Yan at marami pang pasabog ang dapat abangan sa Haplos.
Kasama pa rin sa Haplos sina Rocco Nacino, Pancho Magno, Francine Prieto, Celia Rodriguez at marami pang iba.
Speaking of Sanya Lopez and Rocco Nacino, patuloy din nilang pinakikilig ang mga manonood sa mga eksena nila sa Haplos. Ayon nga sa isang loyal fan ng RocSan, hindi sila tumitigil sa pagdarasal na sana’y sila na ang magkatuluyan sa tunay na buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.