Xian pinagselosan ang balik-tambalan ng Kimerald | Bandera

Xian pinagselosan ang balik-tambalan ng Kimerald

- July 30, 2017 - 12:05 AM

GERALD ANDERSON AT KIM CHIU

INAMIN ni Kim Chiu na totoong nagselos si Xian Lim nang muli siyang itambal sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa daytime series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Chinita Princess, sinabi nitong kahit paano’y may naging epekto sa samahan nila ni Xian ang reunion series nila ni Gerald, pero mabilis niyang nilinaw na maliit na bagay lang yun kaya huwag na sanang palakihin.

“Tawanan na lang natin (ang isyu). Alam naman niya (Xian) na work lang iyon. Pero siyempre hindi maiiwasan. Basta, work naman iyon eh,” maikling pahayag ni Kim.

Samantala, mas lalo pang tumitindi ang mga eksena ngayon sa Ikaw Lang Ang Iibigin dahil isa-isa nang sumasabog ang mga lihim ng bawat karakter sa kuwento.

Kabilang na nga riyan ang mga kasalanang nagawa nina Daniel Fernando at Ayen Munji-Laurel kay Bing Loyzaga at sa pamilya nito. Idagdag pa ang matinding galit ngayon ni Michael de Mesa sa kanyang asawa dahil sa pakikipagkasundo nito kay Daniel, na siyang tunay na ama ni Jake Cuenca.

Napapanood pa rin ang Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-Showtime sa ABS-CBN. Kasama rin dito sina Gina Pareño, Coleen Garcia, Andrea Brillantes, Grae Fernandez at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending