Bagitong import ipaparada ng Star Hotshots
Mga Laro Ngayon
(Ynares Center)
4:15 p.m. Kia Picanto vs TNT KaTropa
7 p.m. Star vs Alaska
Team Standings: NLEX (3-0); Meralco (2-0): Star (1-0); Phoenix Petroleum (2-1); GlobalPort (1-1); Rain or Shine (1-1); Barangay Ginebra (0-1); Alaska (0-2); KIA Picanto (0-2); Blackwater (0-2); San Miguel Beer (x-x); TNT KaTropa (x-x)
IPAPARADA ng Star Hotshots ang isang bagitong import sa hangarin nitong masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa ngayon sa Alaska Aces sa kanilang 2017 PBA Governors’ Cup elimination round game sa Ynares Center sa Antipolo City.
Sasalang ngayon ang 21-anyos na mula Illinois na si Malcolm Hill sa kanyang unang propesyonal na laro sa paghaharap ng Hotshots at Aces alas-7 ng gabi.
Hangad ng Star na makadikit sa mga nangungunang koponan at madagdagan ang pagdurusa ng Alaska, na nakalasap ng ika-10 diretsong pagkatalo magmula pa nitong nakaraang kumperensiya.
Bagamat nagtala ng 103-86 panalo kontra Blackwater Elite sa kanilang unang laro nitong nakalipas na linggo, pinalitan agad ni Star coach Chito Victolero si Cinmeon Bowers ni Hill, na hindi napili sa 2017 NBA Draft bagamat may magandang collegiate career ito bilang ng isang Fighting Illini.
Si Hill ay nag-average ng 17 puntos, 5.0 rebounds at 3.0 assists sa kanyang huling season sa Illinois kung saan nakapaglaro rin siya bilang starting point guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.