Kapag nawala ang tiwala | Bandera

Kapag nawala ang tiwala

Beth Viaje - July 28, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Ano po ba ang dapat kong gawin kapag nawala na ang tiwala sa akin ng BF ko at ng pamilya niya? Paano ko po ba maibabalik ang tiwala nila sa akin? Halos lahat naman po ay ginagawa ko na para lang pagkatiwalaan nila akong muli.

Ako nga po pala si Nashrahannie.

 

Ate,

Maulan na araw sa iyo.

Ateng, hindi mo naman idinetalye kung bakit nawalan ng tiwala sa iyo ang iyong BF at ang kanyang pamilya sa iyo.

Sabagay, baka masyadong confidential ang isyu ninyo kayat minabuti mong huwag nang isalaysay pa.

Anyway, dalawa lang ang pwede mong gawin.

Una ay magtyaga ka hanggang mapaniwala o magtiwala silang muli sa iyo. At ikalawa, makipag-break sa kanya at mag-move on na.

Ang problema ay hindi ko alam kung papaano maibabalik ang tiwala nila sa iyo. Tanungin mo kaya sila? Ang alam ko it will take time.

Pero honestly, may mga tao na once nawalan na ng tiwala sa iyo ay hindi na magtitiwalang muli. Ikaw, try mo pa rin baka magbago isip nila.

On second thought, bakit ba kasi pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa kanila? E, di pumirmi ka muna at wag makipagrelasyon, ibuild-up ang confidence at prinsipyo.

Hindi pa katapusan ng mundo, neng. Hindi lang si BF ang lalaki na magmamahal sa yo, iha! So kung ayaw na nila, lalo na si BF, walk out na ‘teh, huwag mag aksaya ng mga panahon ninyo!

Ateng Beth

 

***

 

Hello, Beth.

Nakakahiya man na sa edad kong ito ay gusto ko pa rin sanang makatagpo ng isang lalaking totoo na makakasama ko habambuhay. Posible pa kaya ito?

Tawagin mo na lang akong si Miss Scorpio, widow, at 65 years old from Iligan City.

Mader,

Posible naman po. Walang masamang umasa. Sabi nga nila hope springs eternal. Pero ‘pag di dumating keri lang dapat, di ba? Maraming bagay na higit na magpapasaya sa atin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending