Jinggoy pinayagan magpa-ospital | Bandera

Jinggoy pinayagan magpa-ospital

Leifbilly Begas - July 26, 2017 - 06:08 PM

  Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si dating Sen. Jinggoy Estrada na makalabas ng kulungan upang makapagpasuri.     Si Estrada ay maaaring lumabas ng Philippine National Police Custodial Center mula alas-8 ng umaga ng Hulyo 27 at ibabalik doon alas-8 ng umaga sa Hulyo 29.       Siya ay iko-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kung saan siya sasailalim sa videocolonoscopy.     “He shall be transported to the Cardinal Santos Medical Center, San Juan and no other place, on the above date not earlier than one hour before the appointed time and shall leave for his detention cell at Camp Crame as soon as the procedures are terminated,” saad ng desisyon.     Gaya ng mga naunang desisyon, si Estrada ay pinagbawalan na gumamit ng anumang telecommunication device at makapanayam ng media.     Nais matiyak ng doktor ni Estrada na wala itong problema kaya papasukan ng tubo na mayroong camera ang kanyang puwet para masilip ang kanyang bituka.     Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback mula sa non-government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending