2 tauhan kailangang ipasok sa SSS, PhilHealth
MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan at batid ko na maraming natutulungan ang Aksyon Line. Kamakailan lamang ay nagtayo po ako ng maliit na travel and tours company. Pero dahil bago pa lamang po ay dalawa lang muna ang staff namin. Gusto ko po sanang itanong sa SSS at PhilHealth kung kailangan ko pa bang ipa-register ang company gayong dalawa lamang ang staff ko. Ano po ba ang requirements? Salamat po.
Ronaldo Sarmiento
Morning Breeze Subdivision
Tinio st., Caloocan City
REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail kaugnay sa katanungan ni G. Ronaldo Sarmiento ng Caloocan City.
Nais naming ipabatid kay G. Sarmiento na sa ilalim ng batas, obligado ang may-ari ng isang kumpanya na magparehistro sa SSS bilang isang employer sa pamamagitan ng pagsumite ng SS Form R-1 o and Employer Registration Form sa pinakamalapit na sangay ng SSS. Gayundin, itinakda ng batas na dapat i-report ng employer ang lahat ng kanyang empleyado para masakop sila ng SSS sa pamamagitan ng pagsumite ng SS Form R-1A o ang Employment Report.
Maliban sa SS Form R-1 at SS Form R-1A, kinakailangan din niyang isumite ang kopya ng dokumento na magpapatunay na otorisado siyang magpatakbo ng negosyo gaya ng Registration of Business Name, Business Permit, o anumang katunayan mula sa nakasasakop na ahensiya ng pamahalaan.
Ang isang employer ay kinakailangang magparehistro sa SSS simula sa unang araw na kumuha siya ng tao na magtatrabaho sa kanyang negosyo. At mula sa petsa na nagsimula itong magtrabaho sa kanya, binibigyan siya ng SSS ng 30 araw para i-report ang kanyang empleyado para mapabilang sa SSS.
Obligasyon din ng employer na ibawas mula sa sahod ng kanyang empleyado ang buwanang kontribusyon nito at i-remit ito sa SSS ayon sa itinakdang schedule.
Sa ilalim ding ng batas,may kaukulang parusa sa employer kapag hindi nagre-remit ng buwanang kontribusyon sa SSS at Employees’ Compensation (EC) ng kanyang empleyado. Ang sinumang employer na lalabag sa batas na ito ay pagmumultahinng mula P5,000 hanggang P20,000 at maaaring makulong ng anim na taon hanggang 12 taon.
Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang bagay na ito.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P
Sebastian
Department Head
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.