Matutupad ba ang pangarap na yumaman? (2)
Sulat mula kay Rowena ng San Nicolas, Guagua, Pampanga
Problema:
1. Wala po kaming pinagkukunan ng kabuhayan sa ngayon mula nang nawalan ng trabaho ang mister ko. Pero tinutulungan naman kami ng bayaw ko na nasa abroad. Kaya lang nahihiya na ako sa kanya, kaya nang imbitahan niya akong mag-abroad ay nag-ayos agad ako ng mga papeles ko. Pero naibenta na ng mga magulang ko ang lupa namin hanggang ay hindi pa din ako nakakaalis.
2. Kailan kaya ako makapaga-abroad? Sabi naman ng mister ko, mag-negosyo na lang daw kami. Wala naman akong alam na negosyo at wala rin kaming puhunan. Sa palagay n’yo, Sir Greenfield, paano po ba kami uunlad at yayaman, sa pagnenegosyo ba o sa paga-abroad? At kung matutupad ang pangarap naming yumaman kailan po kaya ito magkakatotoo? October 14, 1988 ang birthday ko at February 5, 1980 naman ang mister ko.
Umaasa,
Rowena ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing mga produktong may kaugnayan sa “basic needs” ang magpapayaman sa iyo, tulad ng grocery o kaya’y sari-sari store sa poblacion o kaya’y sa public market. Ang pagro-rolling o pagde-deliver o pagde-dealer ng mga paninda ay maaari ring isaalang-alang na sa inyo ay magpapayaman.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing compatible kayo ng mister mo na may birth date naman 5. Ibig sabihin, basta’t magtulungan lang kayo sa itatayo ninyong tindahan o grocery tiyak ang magaganap, five years from now, lalago at madodoble na ang inyong puhunan hanggang sa tuluyan kayong yumaman.
Luscher Color Test:
Pula ang dapat na kulay ng iyong business place upang madaling mahigop ang suwerte at magandang kapalarang may kaugnayan sa materyal na bagay.
Huling payo at paalala:
Rowena, ayon sa iyong kapalaran, imbes na mag-abroad mas makabubuti sa inyong mag-asawa na magnegosyo na lang kayo ng mga produktong nabanggit na sa itaas. Mas mainam kung uumpisahan na ang nasabing negosyo sa taonng ito, sa buwan ng Oktubre. Kapag nagawa n’yo ‘yan, tiyak ang magaganap sa pagtutulungan ninyong mag-asawa sa negosyo grocery—paglipas ng lima hanggang pitong taon pa, sa year 2024, mararamdaman n’yo na ang mabilis na umuunlad ang inyong kabuhayan, hanggang sa hindi n’yo namamalayang mayamang-mayaman na pala kayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.