Matutupad ba ang pangarap na yumaman? | Bandera

Matutupad ba ang pangarap na yumaman?

Joseph Greenfield - July 25, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Rowena ng San Nicolas, Guagua, Pampanga
Dear Sir Greenfield,

Wala po kaming pinagkukunan ng kabuhayan sa ngayon mula ng nawalan ng trabaho ang mister ko. Pero tinutulungan naman kami ng bayaw ko na nasa abroad. Kaya lang nahihiya na ako sa kanya, kaya ng imbitahan nya akong mag-abroad, nag-ayos ako ng mga papeles ko. Pero naibenta na ng mga magulang ko ang lupa namin hanggang ay hindi pa din ako nakakaalis. Kailan kaya ako makapag-aabroad? Sabi naman ng mister ko, mag-negosyo na lang daw kami. Wala naman akong alam na negosyo at wala din kaming puhunan. Sa palagay nyo Sir Greenfield paano po ba kami uunlad at yayaman, sa pagnenegosyo ba o sa pag-aabroad? At kung matutupad ang pangarap naming yumaman kailan po kaya ito magkakatotoo? October 14, 1988 ang birthday ko at February 5, 1980 naman ang mister ko.
Umaasa,
Rowena ng
Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw ang Guhit ng Negosyo o Business Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin higit kang papalarin sa pagnenegosyo kaysa sa pag-aabroad.
Cartomancy:
King of Diamond, Eight of Hearts at Queen of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagtutulungan ninyong mag-asawa sa negosyong may kaugnayan sa tindahan sa palengke o grocery, na sisimulan sa taon ding iti ng 2017, makikikita mo mas mabilis kayong uunlad, aasenso hanggang sa tuluyang yumaman.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending