Pangakong natupad
Suporta sa mga pulis sa kampanya kontra droga. Hello, Supt Marvin Marcos!
Pagtatayo ng mga rehabilition centers para sa mga drug addict.
Pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa Bangsamoro kabilang na ang MILF at MNLF
Paglikha ng hotline na 8888 na siyang tatanggap ng tawag kaugnay ng mga umano’y katiwalian sa kanyang administras-yon.
Pagpapalawig sa validity ng driver’s license sa 10 taon mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Pagpapahaba ng operasyon ng LRT hanggang alas-10 ng gabi mula sa dating alas-9:30 ng gabi.
Pagrerepaso sa isyu ng mining permit na i-binigay ng gobyerno sa mga kompanya.
Paglilinis ng Laguna Lake kung saan maliit na mangingisda lamang ang maiiwan.
Pagpapalawig sa validity ng passport sa 10 taon mula sa dating limang taon.
Pagkakaroon ng wifi sa kahabaan ng EDSA at sa istasyon ng MRT
Karagdagang rice subsidy para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Pangakong napako
Tapusin ang problema sa droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Pagdurog sa Abu Sayyaf
Pagpapaigting ang kampanya kontra terorismo matapos naman ang paglusob ng teroristang grupo Maute at maging ng mga banyagang tero-rista na iniuugnay sa ISIS
Magiging prayoridad ang isyu sa global warming.
Pagususulong ng usapang pangkapayapaan sa CPP/NPA/NDF matapos naman itong isuspinde dahil sa mga pag-atake ng rebeldeng grupo.
Mas mababang personal at corporate income tax rate, at pag-aalis Bank Secrecy Law.
Sapat na sahod sa lahat ng Pinoy para matustusan ang mga pangunahing pangangailangan
Pagpapatupad sa Reproductive Health law.
Pagpapatayo ng mga access roads at tourism gateways para maisulong ang turismo sa bansa.
Pagpapatupad ng mahigpit na mga batas kontra ilegal na pangingisda.
Sosolusyunan ang problema sa malakawang pagbaha sa Metro Manila.
Pagpasa ng batas na nagbibigay ng emergency power para masolusyunan ang krisis sa trapik sa Metro Manila.
Pagpapaigting ng kampanya kontra kolorum.
Pagpapaalis ng mga ilegal na terminal.
Malinis na gobyerno sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Pagkakaroon ng federalismo sa bansa.
Pagpapaiksi ng oras sa pagpoproseso ng mga permit at lisensiya.
Gaganda ang serbisyo ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).
Pagiging transpa-rent sa pamamagitan ng FOI website.
Mas maraming rail projects sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Pagiging mas transparent ng administrasyon.
Pag-decongest ng NAIA, kasama na ang posibleng paglilipat nito sa ibang lugar.
Pagtiyak na hindi kukunsintihin ang pangha-harass sa media sa harap naman ng kaso ng pagpatay at maging ang pambu-bully ng kanyang tagasuporta sa media.
Pagpapabilis sa pagdinig sa mga kaso na nakabinbin sa mga korte.
Pagpapaigting sa kampanya kontra human trafficking at mga illegal recruiter na bumibiktima sa mga migrante.
Pagpasa ng batas na magtatayo ng departamento para sa mga OFWs.
Pangakong poprotektahan ang karapatan ng mga babae. Rape jokes, bow.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.