Gilas tinalo ng South Korea; titulo ng 39th Jones Cup malabo na | Bandera

Gilas tinalo ng South Korea; titulo ng 39th Jones Cup malabo na

Dennis Christian Hilanga - July 19, 2017 - 08:09 PM

Naglaho ang tsansa ng Gilas Pilipinas na masungkit ang titulo ng 39th Jones Cup matapos lumuhod sa South Korea, 83-72, Miyerkules, sa Taipei Heping Stadium, Taiwan.

Umahon mula sa 49-66 pagkakalubog ang  pambansang koponan at naibaba ang abante ng mga Koreano sa apat, 69-73, buhat sa follow-up dunk ni import Mike Myers may 2:11 minuto pang nalalabi sa laro. Subalit agad na sumagot ang Korea ng 4-0 run para sa 77-69 lead na tuluyang sumupil sa Gilas na naghikahos sa outside shooting. Nagtala ang Gilas ng maalat na 1/26 shooting mula sa tres. Umangat sa 4-1 win-loss card ang Korea para manguna sa team standings habang nahulog sa 3-2 kartada ang Gilas. Umiskor si Myers ng 18 puntos at humugot ng 17 rebounds habang sina Jio Jalalon at Christian Standhardinger ay nagtala ng 18 at 16 puntos. Makakalaban ng Gilas ang Iraq bukas.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending