Maine kinuhang cover girl ng int’l magazine
IBINALITA ng Dubai-based international designer na si Michael Cinco ang pagkuha kay Maine Mendoza bilang cover sa premiere issue ng Rank magazine. Pinasampol niya ang kuha ni Meng sa kanyang IG.
Ipinagmalaki rin ni Cinco na gawa niya ang silver-embroidered na dress ng Phenomenal Star.
Ayon naman sa IG ng editor ng magazine na si @mrleoblnt, “Two years after her historic thrust in front of the camera, @rankmagazine decodes the phenomenon that is #MaineMedoza – her surge to superstar status, the magnitude of her unexpected celebrity, and her continuing relationship with the adoring public.”
Bumuhos naman ang pagpapasalamat ng fans ni Meng sa nasabing magazine. Abang-abang na naman sila ng kopya nito. Pang-international na raw ang byuti ng idolo nila!
Samantala, ang pelikulang “Imagine Me & You” nina Alden Richards at Maine ay humamig ng walong nomination sa Star Awards for Movies. Maging si Meng ay nominated sa Best Original Song dahil siya ang gumawa ng lyrics ng theme song ng movie habang si Vic Sotto naman ang naglapat ng musika.
Kasabay nito, muling dinenay ni Meng na may relasyon sila ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona.
Sa live streaming sa Periscope idinaan ng Phenomenal Star ang kanyang mensahe para sa lahat ng nang-iintriga sa kanila ni Sef.
“Masyado niyo kaming minamalisyahan ni Sef. Ano bang problema niyo?”
Sa hiwalay na panayam, mariin ding dinenay ni Sef na girlfriend niya si Meng, “Friends po talaga kami, as in.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.