Warning sa mga celebrity: Wag basta papatol sa mga fans, pigilan ang kati
THE other day pumutok ang balita na inaresto ang Tawag Ng Tanghalan winner na si Noven Belleza matapos akusahan mg attempted rape sa Cebu City right after nitong mag-guest sa napaka-successful na concert ni Vice Ganda.
We were all shocked sa balitang ito. Nu’ng una ko itong mabasa sa Facebook, nagdalawang-isip talaga ako if it was true or not – marami kasing fake news ngayon sa FB, di ba? Akala ko hoax, totoo na pala.
Base sa nabasa ko, madaling-araw (1:30 a.m. or something) nang pumunta ang isang 19 year-old na babaeng local entertainer sa condo where Noven was billeted. Magkakilala naman daw sila.
According to the news item ay pinilit daw ni Noven ang babae to make love to him at nang umayaw ang girl ay sinaktan diumano ito ng TNT winner. That prompted daw the girl na magsumbong sa mga magulang niya and filed a complaint against the singing champion.
Nanikip daw ang dibdib ni Noven kaya isinugod daw ito sa isang hospital sa Cebu. I don’t understand the legalities nito, sabi kasi nila he is under hospital arrest. Di ba pag sinabing hospital arrest ay parang nakakulong ka na rin but had to remain sa hospital for medical procedures and right after mong makalabas ay diretso ka nang kulungan? Ganoon ba iyon? Huwag naman sana. Kawawa naman si Noven.
Anyway, we felt so bad for the singing champion natin – kababayan ko pa naman. Taga-Negros Occidental si Noven while I am from Iloilo, magkapit-island lang kami and we speak the same dialect. Bakit naman kasi sa dis-oras ng gabi or early morning ay pumunta pa itong babaeng ito sa condo ng binata.
Anong pakay niya sa pagpunta, aber? Para makipagkuwentuhan? Para magkape? Alam naman niyang dis-oras na ng gabi ay isusugal niya ang sarili sa pagpunta sa kinaroroonan ng lalaki kung hindi siya handa sa anumang mangyayari sa kanila. I am not saying that she is a naughty girl pero bakit? Alam n’yo naman ang mga lalaki – madaling matukso iyan.
Lalo pa’t may itsura siguro yung girl at baka naramdaman ni Noven na type siya ng babae or what. I’m not being double-standard or disrespectful to women ha, I am just wondering how things happened.
Iba kasi pag nagkita ang dalawang species during the day or sa isang legitimate na function – magkape sa Starbucks or mag-dinner sa manukan, pero yung pupunta ang babae sa condo ng lalaki at 1:30 a.m. ay parang may hindi magandang dating.
Hope you understand where I am coming from. Kaya dapat talaga sa lahat ng artists, mag-ingat sa mga nakakasalamuha ninyong mga tagahanga whenever you have out of town shows. Tiisin ang kakatihan at baka mapasubo kayo, I mean, baka mapahamak kayo.
Hayaan ninyo, magtatanong-tanong tayo kung ano na ang estado ng kasong ito. Sana lang ay makapagpatawaran na lang sila and learn a lesson or two from here. Tutal hindi naman yata natuloy ang mga bagay-bagay.
So sad for the girl if she was indeed fair, honest and clean. Pero kung dahil sa anupamang kabalbalan kaya siya nagsampa ng kaso against Noven, that’s unforgivable I suppose. Hay buhay.
q q q
Nagsimula nang sumahimpapawid ang programang “Yes Yes Yo, Topacio” nu’ng Lunes, ika-17 ng Hulyo, sa istasyong DWIZ, 882 Kilohertz sa talapihitan sa A.M., at maririnig mula Lunes hanggang Biyernes, alas-10 hanggang 11 ng umaga. Ito ay nationwide at may live streaming pa.
Tinatampok bilang host ang batikan at kontrobersyal na abogadong si Atty. Ferdie Topacio (my super-labs na lawyer), kasama si Doktor Che Lejano, isang kilalang doktor sa mata at batikang radio, TV at events producer, director at talent.
Komentaryo tungkol sa mga umaatikabong isyung pulitikal ang malaking bahagi ng programa, ngunit mayroon din mga panauhin upang magtalakay ng sari-saring mga bagay, may social media portion na tinatawag na “Pakita Mong Tweet Mo”, blind items at konting kantahan.
Samahan ninyo sina Atty. Ferdie at Dok Che sa isang oras na kasiyahan at baklitaktakan araw-araw mula Lunes. Tara na! Yeah Ba!
Congrats sa inyong dalawa. Pareho na tayong may radio program, idol Atty. Ferdz! Iba ka talaga. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.