3 justice nag-inhibit sa pagdinig ng petisyon ni Imee, Ilocos Six | Bandera

3 justice nag-inhibit sa pagdinig ng petisyon ni Imee, Ilocos Six

- July 18, 2017 - 04:24 PM
NAG-INHIBIT ang tatlong justice ng Korte Suprema sa pagdinig ng petisyon na inihain ni  Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at ang tinagurian Ilocos Six na nananawagan na patigilin ang Kamara sa pagdinig ng kaso kaugnay ng umano’y maling paggamit ng pondo mula sa  tobacco excise tax. Kabilang sa mga nag-inihibit ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justice Diosdado Peralta at bagong hirang na Associate Justice Andres Reyes Jr. Matatandaang naglabas sina Sereno at Reyes ng joint statement na nananawagan sa Kamara na bawiin ang show cause order na ipinalabas laban kina  Court of Appeals (CA) Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon at Nina Antonio-Valenzuela. Nag-inhibit naman si Peralta dahil sa pagiging kamag-anak ni Ilocos Norte First District Rep. Rodolfo Fariñas na siyang naghain ng resolusyon para imbestigahan si Marcos. Sa kanyang petisyon na inihain noong Huly 13, nais ni Marcos na ipatigil ang imbestigasyon kaugnay ng pagbili ng mga sasakyan gamit ang  P66.45 milyong pondo mula sa tobacco excise tax. Hiniling din nina Marcos at  Ilocos Six  na maglabas ang Kataastaasang Hukuman na maglabas ito ng writ of Amparo. Nananatiling nakadetine ang Ilocos Six sa Kamara, samantalang nagbanta naman ang mga mambabatas na aarestuhin si Marcos sakaling mabigong dumalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng kontrobersiya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending