Kinarma na si Noynoy Kuyakoy | Bandera

Kinarma na si Noynoy Kuyakoy

Ramon Tulfo - July 18, 2017 - 12:15 AM

SINAMPAHAN ang dating Pangulong Noynoy Kuyakoy ng mga kasong criminal ng Office of the Ombudsman dahil sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force ng mga rebeldeng Moro sa Mamasapano, Maguindanao two years ago.

Ang mga kasong usurpation of authority and graft ay isinampa kay Noynoy ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Sandiganbayan.

Kasamang nasampahan ng mga kaso ay ang pinatalsik na Philippine National Police chief na si Alan Purisima at Chief Supt. Getulio Napenas, dating hepe ng SAF.

Ang pinagmulan ng kaso ay ang pag-utos ni Noynoy kay Purisima, na noon ay suspendido ng Ombudsman, at Napenas na isagawa ang operasyon sa paghuli ng dalawang international terrorists na kinukupkop noon ng mga rebeldeng Moro.

Ang masakit nito, si Noynoy ang naglagay kay Morales sa puwesto matapos itong magretiro bilang Supreme Court justice.

Ilan pang mga kaso ang isasampa laban sa dating presidente at ilan pang mga kasamahan niya noong nakaraang administrasyon.
***
Kung ano ang ginawa niya kay Gloria Macapagal-Arroyo na kanyang pinalitan ay ginagawa na sa kanya ngayon.

Ipinakulong ni Noynoy si Gloria dahil sa diumano’y gawa-gawa na kasong plunder sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pinawalang-sala ng Supreme Court si GMA sa administrasyon ni Pangulong Digong.

Kung ano ang iyong tinanim, siya mong aanihin.

Ang miserableng buhay ngayon ni Noynoy, na nahaharap sa maraming kaso, ay dahil sa karma.
***
Noong siya’y nagtatamasa ng kanyang kapangyarihan bilang presidente, palagi na lang sinisisi ni Noynoy si GMA sa mga diumano’y pagkakamali ng kanyang predecessor.

Ngayon ay sinisisi ni Pangulong Digong si Noynoy sa mga di niya pagkilos laban sa droga na lumala dahil sa kapabayaan ng kanyang administrasyon.

“Boy Sisi” noon ang tawag kay Noynoy dahil sa kanyang palaging paninisi kay GMA.

At ngayon ay maaari siyang tawagin na “Boy Sinisisi” dahil sa kapalpakan ng kanyang administrayon, kasama na ang Mamasapano Massacre at ang mali-maling paghawak ng trahedya sa Eastern Visayas na dulot ng “Supertyphoon Yolanda.”
***
Anong klaseng mahistrado itong si Makati Regional Trial Court Judge Rico Liwanag?

Pinawalang-sala si Police Supt. Angelo Germinal kahit na tatlong testigo ang nagsasabi na binaril at napatay niya ang 13-anyos na nangangalakal na si Christian Serrano ng .22 caliber rifle sa isang abandonadong gusali sa Makati City.

Binale-wala ni Liwanag ang testimonya ng tatlong eyewitnesses pero pinaniwalaan niya ang isang police doctor na nagsabi na .38 caliber bullet ang nakapatay sa bata.
Sinabi ng doktor, na hindi naman expert sa ballistics, na imposibleng bala ng .22 caliber ang pumasok sa loob ng katawan ng biktimang si Serrano dahil hindi ito makakawasak ng buto ng biktima at tumagos ng through and through.

Hindi po ako ballistics expert, ako po ay isang gun enthusiast at hunter na gumagamit ng caliber .22 rifle na pinanghahanting ko ng baboy-ramo noong araw.

Kapag ang .22 caliber bullet ay lumabas sa isang rifle, malakas ang dating nito sa target dahil sa momentum at puwedeng magwasak ng buto.

Di nakita ang sinasabi ng doktor na .38 caliber slug na diumano’y pumasok sa katawan ni Christian, pero nakita ang mga basyo ng .22 caliber sa crime scene.

Kahapon, nagsumbong sa inyong lingkod ang mga magulang ng dalawang teenager na pinatay ng kapwa teenager sa Makati 7 years ago.

Pinawalang sala ni Judge Liwanag ang akusadong si Alexis Aaron Aguila, 17 anyos noon.

Ang kanyang pinatay ay sina Leandro Boringot, 17, at Carlo Martin Murillo, 19.

Judge Liwanag downgraded Aguila’s crime to double homicide from double murder and gave him a light sentence: six years for each killing.

Sinabi ni Judge Liwanag na walang “treachery” na naganap, hindi plinano ng salarin ang pagpatay kaya’t hindi murder kundi homicide lang.

Kusang sumuko raw ang akusado, sabi ni Judge, at ito’y minor nang maganap ang krimen.

Binitiwan ni Demetrio Custodio, abogado ni Aguila, ang kaso nang bumaligtad ang defense witness na si Anton Reyes.

Sinabi ni Reyes sa korte na bumili ng dalawang patalim si Aguila dalawang araw bago ang insidente upang ipansaksak sa mga biktima.

Nagsuntukan kasi ang mga biktima at si Aguila at kanyang mga kasamahan sa isang open party sa Alphaland building sa Edsa, Makati ilang linggo bago naganap ang pangangatay.

Hinintay ni Aguila, ayon kay Reyes, ang dalawang biktima sa labas ng party sa Alphaland.

Binalot muna raw ni Aguila ang kanyang kamay bago saksakin ang dalawang biktima.

Kahit na narinig ni Liwanag ang mga nasabing testimonya, na dapat ay murder ang ikinaso kay Aguila, hindi niya ito pinakinggan.

Ayon pa sa isa pang testigo, bully itong si Aguila noong siya ay high school sa Don Bosco Technical School sa Makati.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinasinungalingan ng police report na kusang sumuko ang salarin, na taliwas sa sinabi ng magaling na judge.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending