‘E ano kung sakang si Kathryn, siya pa rin ang No.1 sa 100 Most Beautiful Stars!’
SA ANUMANG girian where an important issue is being debated upon, expect either party’s volley of personal assaults against his opponent kapag nauubusan na siya ng katwiran.
Maliwanag na ito ang strategy—pathetic as it obviously is—ng ilang mga netizen na hindi matanggap na nag-number 1 si Kathryn Bernardo sa 100 Most Beautiful Stars scoring her second triumph pagkatapos nang maraming taon.
Sore losers as they are, kesyo paano raw nanguna ang young actress gayong sakang ito? Granting na totoo nga ang pisikal na diperensiya ni Kathryn, partida pa nga ‘yon. What if she wasn’t born sakang?
The problem with most of us, while we praise someone for whatever reason ay niyuyurakan naman natin ang ibang tao. Can’t we build someone up without putting someone else down?
Isa pa, bakit hindi tirahin ng ibang netizens si Kathryn on the basis of being a public figure, e.g. ang pagiging bano niyang umarte (na hindi naman), o pagiging suplada sa mga fans (which is also not true), o unfriendly toward the press (na hindi pa nangyari ni minsan)?
Why harp on her physical imperfections, eh, lahat naman tayo’y isinilang sa mundo na hindi perpekto?
To top it all, it wasn’t Kathryn’s fault if she was chosen number 1, she didn’t lobby for the title. Neither did she ask for it, so why pick on her?
This is in stark contrast sa kaso ng isang glossy magazine whose “King of the Gil” tag (splashed on the cover) alluded to a Kapuso male newcomer has incurred the ire of Enrique Gil fans.
As a consequence, humingi ng paumanhin ang nasabing babasahin.
Pero wala kaming nakitang masama sa bansag na ‘yon. Plain and simple play on words (or names?) lang ‘yon. There may be pun intended, but nothing derogatory nor offensive to Enrique. Nagkataon lang na iba ang interpretasyon ng ilang fans who thought that while the magazine banked on the greenhorn’s fame ay minenos naman nito si Enrique.
Back to Kathryn, kung nag-number 1 man siya sa talaan ng pinakamagagandang bituin, she had worked hard for it. And she’s not supposed to be faulted for it!
q q q
Blame it on her stomach virus, hindi nakarating nang personal si Tita Lorlie Villanueva sa “Cristy Ferminute” nitong Biyernes as she promised. Her supposed radio guesting was to promote the two books she authored herself: ang “Dancing With the Dictator” at ang “Living And Experiencing the Realms of the Unknown.”
Noong isang taon pa ibinalita ng mahusay at respetadong TV, film and theatre actress/director ang tungkol sa attempt at book writing, na himalang naisingit niya sa kabila ng pagiging abala sa trabaho back in New York.
Kapag may panahon din lang kasi si Tita Lorli, she comes home para naman sa ilan niyang fund-raising endeavors for the abandoned elderly and PWDs in her native Iloilo City.
A wearer of many hats, Tita Lorli has also waxed a CD album na naglalaman ng ilang standard English songs including an Ilonggo lullaby (Ili-ili) and kundiman with rondalla accompaniment.
Tig-isa kami ni Tita Cristy ng kanyang mga libro, napunta sa inyong lingkod ang koleksiyon ng kanyang mga mismong karanasan sa mundo ng paranormal scattered in 11 must-read chapters.
What adds to the reading pleasure ng dalawang librong ito (na available na sa mga leading bookstores) ay ang mga larawan mula sa water color paintings ni Ginoong Noel David.
To that, we say…ikaw na talaga, Tita Lorli!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.