Sarah na-bash sa mga napiling finalist sa The Voice Teens
KAHIT kami ay gulat na gulat sa at least dalawang finalists na pinili o pinaboran ni coach Sarah Geronimo sa kanyang team, na dadalhin niya sa live show ng The Voice Teens finals.
Bina-bash kasi ang pop royalty sa naging choices niya dahil ayon sa mga non-coaches, “di hamak at obvious namang mas magagaling yung hindi niya pinili. Sinayang niya.”
But coach Lea Salonga defended Sarah at nirerespeto raw nito ang desisyon ng dalaga kahit meron ding ibang choices ang gaya niya from Sarah’s team.
“Stop the hate,” sey pa ni Lea in defense of Sarah na marahil ay may iba ngang naririnig o nakikita sa mga napili niya.
Well, ganyan naman palagi, pero as we said, kung ano kasi yung sa tingin ng mga nakakapanood gaya namin on the performances of those contenders, mas madali ngang mag-agree sa mga komentong mukhang iba sa panlasa ni Sarah.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.