AJ Muhlach, Phoebe Walker palaban, naghubo't hubad sa 'Double Barrel' | Bandera

AJ Muhlach, Phoebe Walker palaban, naghubo’t hubad sa ‘Double Barrel’

Ervin Santiago - July 09, 2017 - 12:10 AM

GOODBYE na si AJ Muhlach ang imaheng boy-next-door ngayong siya na ang “newest action star” ng VIVA Films sa “Double Barrel: Sige Iputok Mo!” mula sa premyadong direktor na si Toto Natividad.

Leading lady niya rito ang sexy actress na si Phoebe Walker na nagwaging Best Supporting Actress sa 2016 Metro Manila Film Festival para sa kanyang pagganap sa horror movie na “Seklusyon”.

Si AJ ang gumaganap bilang Jeff, isa sa mga drug pusher na nahuli ng mga pulis sa isang anti-drug operation. Nang magmakaawa itong huwag patayin, ginawa siyang asset para ituro ang mga drug lords at samahan sila sa pagpatay sa mga ito.

Ginagampanan ni Phoebe ang papel na Martha, ang asawa ni Jeff. Dahil sa pagmamahal niya rito, masasangkot din siya sa pagpatay sa mga kilalang drug lords. Sila ang tinatawag na “mag-asawang birador.”

Base sa totoong kwento, ang pelikulang ito ay puno ng umaatikabong bakbakan at habulan ng mga rumaragasang sasakyan. In fairness, lumelebel daw ito sa mga maaaksyong eksena sa mga sikat na Hollywood action movies.

Makikita sa Instagram post ni AJ noong nakaraang Marso na dumaan siya sa matinding fitness training. Ipinakita ng dating miyembro ng boy group na XLR8 ang kanyang fit na fit na katawan na bagay sa karakter na kanyang ginagampanan.

Bago dumating ang big break na ito, lumabas sa ilang sikat na pelikula si AJ, tulad ng “Diary ng Panget”, “Talk Back and You’re Dead”, “Para sa Hopeless Romantic”, “Chain Mail”, at “Felix Manalo”. Nagkaroon rin siya noon ng teleserye na “P.S. I Love You”, at “Bagets Just Got Lucky”.

Bukod sa “Seklusyon” na idinirek ni Erik Matti, ang iba pang pelikulang nagawa na ni Phoebe ay ang “Unconventional” at “Gayuma”. Naging miyembro rin siya ng girl group na Eurasia.

Kasama rin sa pelikula ang action icon noong ‘90s na si Jeric Raval na gumaganap bilang Inspector Bagani. Kahit na may utos sa itaas na itigil muna ang pagpatay, tuloy lang silang dalawa ni SPO4 Lagman sa pagsuway at sa pagubos ng drug users at pushers. Si Lagman ay ginagampanan ng mixed martial arts expert at model na si Ali Khatibi.

Mapapanood na ang “Double Barrel” sa mga sinehan simula August 2.

q q q
Siguradong aabangan din ng mga barakong manonood ng “Double Barrel” ang maiinit na halikan at love scene nina AJ Muhlach at Phoebe Walker. Inamin ng dalawa na hubo’t hubad sila nang kinunan ang mga nasabing eksena.

Pero nagplaster naman daw ang mga bida ng pelikula kaya hindi naman nakita ang maseselang bahagi ng kanilang katawan. Sey ni Phoebe, gentleman naman si AJ at pinrotektahan siya habang kinukunan ang maseselang eksena.

Nakiusap lang daw ang aktres kay AJ na hangga’t maaari ay hindi niya ilalabas ang kanyang dila habang naghahalikan sila, “Aware naman ako sa nangyayari na this is just acting, this is a love scene that we have to do for the movie. So, remained close (ang lips nila sa halikan).”

Hirit naman ni AJ, “Napag-usapan namin na mabuti. Nakapag-workshop kami, napag-usapan namin sa sensuality workshop ‘yung gagawin namin. Napag-usapan namin kung anong limitations namin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, todo ang pasasalamat ni AJ sa Viva dahil finally ay nahanap na niya ang tamang genre para sa kanyang career. Feeling ng binata, ito na ang tamang panahon para maipakita niya sa madlang pipol na marami pa siyang kayang gawin.

Biro nga ng media sa kanya, sa “putukan” pala siya talaga nagbabagay. Bukod sa love scene niya kay Phoebe, siguradong magpipiyesta rin ang mga bading sa isang eksena ni AJ habang tumatakbo sa ibabaw ng bubong na naka-briefs lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending