San Beda Red Lions sisimulan ang NCAA title defense | Bandera

San Beda Red Lions sisimulan ang NCAA title defense

Angelito Oredo - July 08, 2017 - 12:10 AM


Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
12 n.n. Opening Ceremony
2 p.m. San Beda vs San Sebastian
4 p.m. Mapua vs Arellano

AGAD na masasabak sa aksyon ang nagtatanggol na kampeong San Beda Red Lions sa pagsagupa sa season host San Sebastian Stags habang maghaharap din ang Season 92 runner-up Arellano Chiefs kontra Mapua Cardinals sa pagbubukas ngayon ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Una munang bibigyang karangalan at pahalaga ang mga naging basketball icon ng bawat miyembrong unibersidad sa isasagawang opening ceremony ganap na alas-12 ng tanghali bago ang paghaharap ng Red Lions at Stags sa alas-2 ng hapon at Chiefs kontra sa Cardinals ganap na alas-4 ng hapon.

Nakatuon ang lahat ng mga koponan sa Lions na napanatili ang kabuuan ng koponan na winalis sa kampeonato ang Chiefs noong nakaraang taon habang nagdagdag pa ng pares ng mga bagong lipat na manlalaro na sinandigan nito sa Premier Cup upang agad maging paborito sa titulo ng torneo.

Aasahan ng Lions si Robert Bolick na nagpakita ng liderato sa kanyang mahusay na paglalaro sa pre-season pati na rin sina Jayvee Mocon, Jomari Presbitero, Ben Adamos, AC Soberano, Davon Potts at Cameroonians Arnaud Noah at Donald Tankoua.

Makakasama rin ng San Beda sina Clint Doliguez at 6-foot-8 Kenmark Carino, mula sa Ateneo, upang lalong palakasin ang malalim na komposisyon ng Lions at ang nagbabalik na coach na si Boyet Fernandez na huling hinatid ang koponan sa magkasunod na titulo nong 2013 at 2014.

“We’re thankful to the teams who think of us as the favorites but I think it will be added pressure for us. Mas dagdag na isipin ngayon dahil lahat sila gusto kami talunin kaya dapat kami maghanda kada laro,” sabi ni Fernandez, na huling nag-coach sa NLEX sa PBA.

Una na sa daanan ng San Beda ang mapanganib na San Sebastian na nagpakita ng pagbabago sa nagawa nito na pagtuntong sa quarterfinals ng Premier Cup.

Aasa ang Stags na pagbabalik ni Michael Calisaan, na hindi nakalaro sa unang parte ng torneo nitong nakaraang taon dahil sa aksidente sa motorsiklo, para sa asam na magandang kampanya ng season host.

“You will see a different Calisaan this year,” sabi ni San Sebastian mentor Egay Macaraya.

Aasahan naman ng Arellano sina Kent Salado at Lervin Flores sa pagkawala ng dating lider nito na si Jio Jalalon na umakyat sa propesyonal na liga sa pagsagupa sa Mapua na hindi na rin makakasama ang back-to-back league season MVP na si Allwell Oraeme at Shane Menina. Si Oraeme ay hindi na nagpapakita sa koponan habang si Menina ay lumipat naman sa National University.

Samantala, pangungunahan ni league president at Policy Board chair Fr. Nemesio Tolentin, OAR ang pagbubukas ng Season 93 sa pagbigay karangalan sa kada dalawang alumni ng lahat ng kasaling 10 unibersidad kabilang na ang produkto nito na sina Rommel Adducul at Calvin Abueva.

Sinabi rin ni Management Committee chair Fr. Glyn Ortega, OAR, ng San Sebastian na isasagawa ang “NCAA on Tour” kada Huwebes sa anim na eskuwelahan habang may tatlong seniors games kada Martes at Biyernes.

Idinagdag ni Ortega na ipapakilala rin ang 3×3 basketball bilang special event at futsal sa ikalawang semestre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Uupo si Arturo “Bai” Cristobal bilang league commissioner habang si Atty. Rebo Saguisag ang kanyang deputy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending