KIM, MAJA wala nang pag-asang magbati; naging pusong bato na | Bandera

KIM, MAJA wala nang pag-asang magbati; naging pusong bato na

Ambet Nabus - June 11, 2013 - 12:00 AM


NAKU, kapatid na Ervin, mukhang hindi pa rin talaga natin mapipilit ang pagbabati ng dating mag-best friends na Maja Salvador at Kim Chiu.

Aba’y last Sunday lang sa ASAP kung saan bongga silang nagsayaw sa saliw ng meaningful song na “I Know Him So Well” parang hindi man lang nagtinginan ang dalawang aktres ng Ina Kapatid Anak na isang linggo na lang mapapanood sa ABS-CBN.

Kahit pa noong interbyuhin sila nina Papa Piolo Pascual at John Prats ay mahahalatang may kani-kanya silang mga emote ng pasasalamat. May-I-mention pa si Kim ng role niya bilang si Celine at dedma naman siya sa karakter ni Maja as Margaux. As in dedmahan talaga!

Well, ang ibig sabihin kaya nito kapatid na Ervin ay imposibleng magkasama sila uli sa susunod na project? (Ha-hahahaha! Ganu’n na nga kapatid! Alam mo na! – Ed)

Still on Maja, grabe pero ibang-iba ang expressions nito nang makipagsayawan naman siya with Iya Villania at Shaina Magdayao with their respective partners Gerald Anderson, John Prats at Rayver Cruz.

Sila na yata ni Gerald ang dancing partners kaya hindi kami magtataka kung maging regular man silang panoorin sa ASAP every Sunday. Hindi lang sila parehong mahusay gumalaw at mag-emote ng kanilang mga emosyon, kundi kitang-kita sa kanila ang sobrang pagmamahal sa isa’t isa.

Ganu’n nga kagaling si Maja bilang actress-dancer. Du’n sa dance number niya with Gerald and company, masiglang-masigla siya at punumpuno ng “glow”, habang sa dance number nila ni Kim, ay parang nagpipigil ito at may kung anong “angst” na ayaw ilabas. Ha-hahaha!

Nagkabati na ang mga karakter nina Maja at Kim sa kanyang teleserye at natanong nga ang ka-loveteam ni Xian Lim kung pwede rin itong mangyari sa tunay na buhay in the future, “Ay, ’wag na nating pag-usapan ’yan. Ayoko nang makisali diyan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending