Du30 lalo pang tumaas ang public satisfaction rating - SWS | Bandera

Du30 lalo pang tumaas ang public satisfaction rating – SWS

Leifbilly Begas - July 07, 2017 - 01:10 PM

MAS lalo pang tumaas ang public satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ayon sa survey ng Social Weather Station. Nakapagtala si Duterte ng 66 porsyentong net satisfaction rating, ang pinakamataas na rating na nakuha ng pangulo mula ng maupo ito sa Malacanang isang taon na ang nakakaraan. Sa SWS terminology ito ay ‘very good’— sumunod ito sa excellent na net rating na 70 porsyento pataas. Pinakamarami ang satisfied kay Duterte sa Mindanao at Visayas na nagtala ng 83 porsyentong satisfied rating. Sumunod ang National Capital Region na may 77 porsyento at ang iba pang bahagi ng Luzon (73 porsyento). Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents— tig-300 sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao. Tinanong ang mga respondent: “Maaari po bang pakisabi ninyo kung gaano kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa pagganap ng tungkulin ni Rodrigo Duterte bilang Presidente ng Pilipinas.” Sa survey noong Marso, si Duterte ay mayroong net satisfaction rating na 63 porsyento— 75 porsyentong satisfied, 12 porsyentong dissatisfied at 12 porsyentong undecided.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending