PSL All-Filipino Conference semis hahataw na | Bandera

PSL All-Filipino Conference semis hahataw na

Angelito Oredo - July 06, 2017 - 12:09 AM

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
5 p.m. F2 Logistics vs Cignal
7 p.m. Petron vs Foton

AGAWAN sa natatanging dalawang silya sa kampeonato ang apat na koponan ngayong hapon sa pagsasagupa ng pinakamalakas na koponan sa semifinals ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Sisimulan ng nagtatanggol na kampeon F2 Logistics ang pagtatanggol sa korona sa pagsagupa nito sa mapanganib na Cignal HD alas-5 ng hapon bago ang salpukan ng kapwa gutom sa korona at matinding magkaribal na Foton at star-studded na Petron alas-7 ng gabi.

Una nang binigo ng Cocolife at Sta. Lucia ang kani-kanilang mga nakasagupa sa classification round sa Imus City Sports Complex noong Martes upang pag-agawan ang ikalima at ikaanim na puwesto sa pagtungo ng liga sa De La Salle Sentrum sa Lipa City, Batangas sa Sabado.

Itinakas ng Asset Managers ang maigting na Generika-Ayala, 25-18, 25-22, 17-25, 19-25, 15-10, habang ang Lady Realtors ay agad na binigo ang Cherrylume, 25-15, 25-14, 25-20, sa pares ng naging matinding labanan.

Gayunman, nakatuon ang lahat sa semifinals partikular na sa Foton at Petron.

Matapos patalsikin ang kanilang mga nakalaban sa Round of 8, ang salpukan sa pagitan ng Tornadoes at Blaze Spikers ay inaasahang mas magiging maigting dahil na rin sa pagiging rematch ng dramatikong paghaharap sa kampeonato noong Grand Prix.

Bitbit ang mga amerikana na sina Lindsay Stalzer at Ariel Usher bilang imports, dinomina ng Tornadoes ang Blaze Spikers na tinulunang nina Stephanie Niemer at Serena Warner sa best-of-three finals showdown noong Disyembre.

Ang kabiguan ay naghulog sa Petron para magsimula muli at nagsagawa ng malalim na pagbabao sa pagkuha sa mga manlalaro na sina Mika Reyes, Carmela Tunay, Remy Palma, Marivic Meneses, Bernadeth Pons, Sisi Rondina at Rhea Dimaculangan.

Bagaman dalawang beses nabigo ang Blaze Spikers kontra sa karibal na Cignal, kumpiyansa si head coach Shaq Delos Santos na magagawa nito muli ang tanging pagkakadungis sa dating malinis na karta ng
Tornadoes.

“I think that win gave us momentum entering the semis,” sabi ni Delos Santos sa 25-20, 18-25, 21-25, 25-19 at 15-11 panalo sa huling laro sa preliminaries.

“Foton is a very solid and well-coached team. We can’t just relaxed knowing that we already won against them. We still have to prepare and work hard if we want to make it to the finals,” sabi pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aasahan naman ng Foton na agad nagpakita ng matinding lakas sa ilalim ni head coach Moro Branislav ng Serbia sina Jaja Santiago, EJ Laure at Maika Ortiz kasama sina CJ Rosario, Nica Guliman, Shang Berte at Jen Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending