Kathryn kay Daniel: Alam niya kung saan siya lulugar! Bandera

Kathryn kay Daniel: Alam niya kung saan siya lulugar!

|July 04,2017
share this

Kathryn kay Daniel: Alam niya kung saan siya lulugar!

July 04, 2017 - 12:05 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

TINUTUKAN ng madlang pipol ang pag-uumpisa ng La Luna Sangre kaya naman umarangkada agad ito sa ratings game.

Pumalo ang ratings sa unang araw at naging consistent sa pilot ng first week kung saan ipanalabas ang espesyal na pagganap nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

Patuloy na namayagpag sa ikalawang linggo ang La Luna Sangre sa Primetime Bida sa paglabas ng mga katakter nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa datos ng Kantar Media Ratings, 34% sa National, 32.3 % sa Urban, 35.9 % sa Rural, 29.9 % sa Mega Manila at 33.9% sa Mega Manila noong Martes June 27. Kinabukasan naman nagtala ng 32.8% sa National, 32.3% sa Urban, 33.3% sa Rural, 28% sa Mega Manila at 32.8 sa Metro Manila.

Humataw sa 33.1% ang national TV ratings, 33.6% ang Urban ratingd, Rural ratings naman ay 36.6%, 28.5 sa Mega Manila at 32.7 sa Metro manila noong Huwebes, June 29.

Ramdam na ramdam ang excitement bawat episode sa bagong kinababaliwan sa primetime TV kaya naman gabi-gabi rin itong trending sa social media.

Maraming netizens ang nagsasabing para silang nanonood ng isang bonggang pelikula na may kakaibang timpla na na-miss ng viewers.

Todo ang kapit ng madlang pipol sa bawat eksena dahil sa kaabang-abang na mga twist ng istorya at kakaibang karakter nina Kathryn at Daniel.

Samantala, taos-puso ang pagpapasalamat ng KathNiel sa magandang pagtanggap sa kanilang mga bagong karakter sa serye bilang sina Tristan at Malia. Sinisiguro nila na mas lalong magiging exciting ang mga susunod na episodes sa pagpapatuloy ng sagupaan ng mga lobo at bampira sa La Luna Sangre.

Samantala, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa social media ang nakakakilig na guesting ni Kathryn sa Tonight With Boy Abunda kung saan diretso nitong sinabi na payag siyang pakasalan si Daniel pagkalipas ng 10 taon.

At sa tanong kung nagseselos ba siya kapag may ibang babaeng napapalapit kay Daniel, “Alam naman ni DJ kung hanggang saan lang dapat. Iyong trust na lang iyon. Alam naman niya kung saan siya lulugar. Confident ako sa kanya.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending