Imee Marcos hindi itatratong kriminal | Bandera

Imee Marcos hindi itatratong kriminal

Leifbilly Begas - July 03, 2017 - 01:52 PM

  Hindi itatrato gaya ng ibang kriminal si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at papayagan ito na magampanan ang kanyang trabaho bilang gubernador sakaling ipaaresto at ikulong ito ng Kamara de Representantes.     Ayon kay House committee on good government and public accountability chairman at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, mas maayos ang magiging kalagayan ni Marcos kumpara sa mga nakakulong sa Bilibid.     Kahapon ay ipinasilip ang kuwarto kung saan maaaring ikulong si Marcos at ang tatlong justices ng Court of Appeals sakaling magdesisyon ang Kamara na maglabas ng warrant of arrest laban sa kanila.       “This will be fully prepared. It is a spacious room, there’s a reception receiving room, may private room rin, and then may CR, complete rin with toilet and bath,” ani Pimentel na ang tinutukoy ay ang kuwarto na paglalagakan kay Marcos.       Ang kuwarto na inilaan kay Marcos ay ang satellite office ng Sgt-at-Arms samantalang ang para sa justices ng CA ay ang dating opisina ng Congressional Spouses Foundation Inc.       “Wala naman pong bawal. The Ilocos 6 officials detained here are allowed to accept visitors as long as it is during office hours, Monday to Friday 8 to 5. I think last week or two week ago, pinayagan ni Gen. Detabali na mag-birthday party yung isang inmate doon. Meron silang doktor doon. From time to time, may dumarating. Pwede silang magpa-check up ng personal doctor, but in the presence of House,” dagdag pa ni Pimentel.     Sinabi ni Pimentel na mayroong wifi at fully air-conditioned ang mga kulungan kaya maaaring makapagtrabaho roon si Marcos kung nanaisin nito.     “In fact meron po silang internet doon may Wi-Fi sila, may TV, may DVD. Compare mo ang existing jails, they’re in much better position.”     Ayon sa abugado ni Marcos na si Atty. Estelito Mendoza dadalo si Marcos sa pagdinig.     Kung makokontento ang komite, sinabi ni Pimentel na maaaring ito na ang huling pagdinig kaugnay ng P66 milyong pondo ng Ilocos Norte na maanomalya umano ang pagkakagastos.       “I’d like to take this opportunity to Gov. Imee Marcos, kung pwede po, um-attend sa July 25, para hindi na tayo umabot sa puntong we will have to issue a show-cause order and a warrant of arrest. Ito po ay para lang malaman natin ang katotohanan. I want to clarify, wala naman po tayong gagawin kay Imee Marcos, we will not detain her, hindi namin siya kukunin, we will just ask questions po. Wala naman pong dapat katakutan…. Again, I’m appealing to Gov. Imee Marcos, please attend the hearing.” 30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending