Sulat mula kay Jhing ng San Joaquin,
Capoocan, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Magtu-25 years old na ako sa darating na July 16 pero until now hindi pa rin ako nakakaranas magkaroon ng boyfriend. May mga manliligaw naman ako, kaya lang hindi ko sila masyadong gusto at iyong iba naman na gusto ko sana, hindi naman seryosong nanliligaw. Kaya sa ngayon naiinggit talaga ako sa mga kaibigan ko na may kanya-kanya ng nobyo habang ako naman zero pa rin ang love life ko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend ng totohanan at seryoso? Sino ang lalaking ito at saan ko makikita o makikilala? July 16, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Jhing ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Unti-unting lumapit ang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa Heart Line (1-1 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap, hindi matatapos ang taong ito ng 2017, habang pumapasok ang panahon ng tag-ulan, magkaka-boyfriend ka na rin sa wakas at magiging maligaya.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Queen of Hearts at Eight of Hearts (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Hulyo o kaya’y Agosto isang lalaking kayumanggi ang kulay ng balat na halos kasing edad mo rin ang iyong magiging boyfriend na nagtataglay ng initial na R.A.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.