Gerald pinaghandaan ang halikan nila ni Kim | Bandera

Gerald pinaghandaan ang halikan nila ni Kim

Ervin Santiago |July 02,2017
facebook
share this

Gerald pinaghandaan ang halikan nila ni Kim

Ervin Santiago - July 02, 2017 - 12:10 AM

SIGURADONG #kiligpamore ang sandamakmak na Kimerald fans dahil makaraan ang maraming taon, muling naghalikan sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ito’y nangyari nga sa mas umiinit pang kuweto ng kanilang daytime series na Ikaw Lang Ang Iibigin kung saan official na nga silang magdyowa sa kuwento bilang sina Gabriel at Bianca.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Gerald, ikinuwento nito kung paano nila ginawa ni Kim ang kanilang kissing scene. Hindi na raw sila masyadong nagkailangan ng kanyang ka-loveteam dahil naging kumportable na uli sila sa isa’t isa.

“We’re back! Kimerald is back kasi nag-kiss na kami! Ha-hahaha! Oo, siyempre pinag-usapan yun talaga, may konting adlib din kung ano mga ginagawa ko dati. Ha-hahaha! Yun naman trabaho ko to make it comfortable as possible,” pahayag ng aktor.

Ayaw nang magsalita ni Gerald sa mga bashers nila ni Kim, lalo na sa mga netizens na nangnenega sa kanilang tambalan. Tumanggi rin ang binata na magkomento tungkol sa balitang pinagseselosan daw siya ng boyfriend ni Kim na si Xian Lim.

“I haven’t heard that at hindi ko ano yun. Basta masaya ako sa trabaho ko. Hindi ko kailangan sa buhay ko yan ngayon,” depensa ni Gerald.

Nagpasalamat naman ang Kapamilya hunk sa lahat ng fans nila ni Kim. Natutuwa rin siya na napakaganda ng working relationship nila ni Kim ngayon, “Hindi namin magagawa yung show kung may ilangan, kung may wall. Hindi ‘yun magwo-work eh, hindi kami mag-eenjoy.”

In fairness, ang ganda-ganda ngayon ng katawan ni Gerald, halatang batak na batak ito sa workout at dahil na rin sa pagsali-sali niya sa triathlon.

Sabi pa ng aktor, “Pinakamahirap sa akin yung running kasi medyo malaki ang build ko medyo mahirap sumabay sa mga mas payat sa akin kaya kung saan ako mas magaling sa bike siguro at mas okay rin sa swimming.”

Samantala, ngayong official nang magkarelasyon sina Gabriel at Bianca sa Ikaw Lang Ang Iibigin, siguradong hindi na matatahimik si Carlos (Jake Cuenca). Tiyak na gagawa na ito ng paraan para magaw si Bianca sa mortal niyang kaaway, kaya ‘yan ang dapat n’yong abangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And as usual, gusto nang ipako sa krus ng mga manonood si Daniel Fernando bilang demonyong tatay ni Gabriel (Rigor) na wala nang ginawa kundi ang magdala ng problema sa kanilang pamilya. Mas lalo pang kamumuhian ng viewers si Daniel kapag nagkabukingan na ng mga lihim, lalo na sa sandaling malaman ni Roman (Michael de Mesa) ang naging relasyon nila noon ng asawa niyang si Victoria (Ayen Munji Laurel).

Napapanood pa rin ang Ikaw Lang Ang Iibigin sa ABS-CBN bago mag-Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending