Child star tsinugi sa sikat na serye dahil sa epal na nanay | Bandera

Child star tsinugi sa sikat na serye dahil sa epal na nanay

Cristy Fermin - July 01, 2017 - 12:45 AM

MARAMING naaawa sa isang child star na naudlot ang magandang kapalaran na hindi naman siya ang problema. Kalat na ang kuwento na ang ina ng bagets ang naging problema ng produksi-yon kaya siya nawala sa isang seryeng sinusubaybayan ng buong bayan.

May ibinigay na ibang dahilan ang mga tao sa produksiyon kung bakit biglang nawala sa is-torya ang bata, pero hindi ‘yun pinaniniwalaan ng marami dahil sa lumulutang na kuwento tungkol sa kanyang nanay.

Kuwento ng isang source, “Napakaganda na ng career ng bagets, pero ganyan pa ang nangyari. Kilala na siya, kinaaaliwan ng manonood, pero bigla na lang siyang pinagbakasyon sa serye.

“Magaling ang bagets, isang sabi lang sa kanya ng assistant director kung ano ang gagawin niya, e, take one lang ‘yun! Mahal kasi ng bagets ang work niya, enjoy na enjoy siya, kaya para lang siyang naglalaro sa set,” sabi ng aming kausap.

Balitang-balita na unang lumaki ang ulo ng mommy ng bagets, marami itong reklamo sa location, marami itong kakontrang ibang ina ng mga batang artista sa serye.

“Sayang na bagets, nanay niya ang naging dahilan ng maganda na sana niyang participation sa serye. Lumaki ang ulo ng mommy niya, hindi ang bagets ang naapektuhan ng popularity, kundi ang nanay niya.

“Marami siyang kuda, lalo na kapag pagabi na sa set. Nagpaparinig siya palagi na uuwi na sila ng anak niya, dahil malapit na ang hatinggabi.

“Pack-up na raw dapat ang anak niya kapag ganu’n, kailangan nang umuwi, wala nang dagdag na sequences. Insecure din ang mommy ng bagets sa mga batang kasama sa series. Napakalaki ng insecurity niya!

“Marami siyang kabanggaang mommy ng ibang bagets dahil sa kamalditahan niya. Ayan tuloy, ang bagets ang naapektuhan, nawala siya nang hindi pa oras sa palabas,” sabi pa ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi naman kayo mga probinsiyano para makaligtas sa inyo ang the who sa ating kuwento, tama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending